^

Kutob

Hunyo 17, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Malaking pagkakataon ang nasa iyo upang pag-aralang mabuti ang panukalang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Kumunsulta sa dalubhasa kung may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 30, 41 at off-white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin lamang na nasa tamang tao na may panga-ngailangan ito  maipagkakaloob. Dahil sa pagkamaawain, hindi dapat basta magtiwala, sapagkat malapit sa’yo ang malinlang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 30, 37 at antique gold.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang dinaranas na katamlayan ay maaaring magmula sa kapaguran sa mga nakaraang araw. Pahinga ang kailangan para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Ang pagre-relax ay angkop para sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 20, 33 at oak brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Masamang balita dahil may hindi inaasahang pagkakagastusan na darating. Kung ano man ang naitabi ay puwersahang mailalabas. Kung wala ang pangyayaring ito, magpasalamat sa Maykapal at huwag kalimutan ang araw ng pagsisimba o pananalangin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 45 at baby pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Hindi ka magiging kompor-table sa biro ng ilan kaya hangga’t maaari, iwasan ang makigrupo. Malaking bagay sa sarili ang umiwas sa gulo. Gamitin ang bakanteng oras sa makabuluhang bagay at may mapapala kang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 30 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang pagkakataon para sa pa-ngangailangan ay nasa iyo ngayon. Hindi maiiwasan nalumapit sa isang kaibigan. Nga-yon mo mapagtatanto kung sino ang tunay na kaibigan at sino ang hindi. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay magiging aral sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 36 at avocado green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Habang may buhay ay may pag-asa, ika nga. Malaki ang chances na ang inaasahan ay darating. Kung kabaligtaran ang mangyayari, dapat pag-ibayuhin ang pagsisikap para makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 32, 43 at turquoise.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan na dapat mong supilin dahil ito ang magiging damdamin mo ngayon. Huwag sundin ang bugso ng damdamin at makakabuti na pag-isipan ang kahihinatnan ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 26, 34 at opal.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Walang perpekto kaya pag-aralan ang sarili kung ano ang mga pagkukulang na nagawa. Magiging basehan ito para ituwid ang landas. Hindi pa huli ang lahat para tuparin ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 20, 31 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag hayaang maging malaki ang hidwaan ninyong magkakaibigan, magkakamag-anak o magkasintahan. Dahil madali ang solusyon kung nanaisin. Makakabu-ting ikaw na ang gumawa ng paraan dahil ikaw ang nakakunawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 10, 25 at mocca.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Iwasan na ipakipagsapalaran sa negosyo ang perang nakalaan sa pang-gastos. Bad news kung magsusugal, dahil tiyak mababaon sa utang. Sa halip na magsabong, ibaling sa pamamasyal ang oras kasama ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 36, 42 at chocolate brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mga pangyayari na kailangan sundin ang iyong damdamin. Magiging mainitin ang ulo ng minamahal kaya pasensya ang kaila-ngan. Kung ikaw si babae, dapat ipaalam kung ano ang nangyayari sa sarili para maiwasan ang alitan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 40 at cream.

vuukle comment

HUNYO 17

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with