^

Kutob

Hunyo 15, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Kung may magandang binabalak, kumilos nang makita ang positibong resulta. Ang mga bagay na dapat ayusin at na-ngangailangan ng pera ay madaling matutugunan, kung ipagtatapat sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 22, 25, 37 at golden brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang matagal nang gustong malaman na impormasyon ay mapapasakamay ngayon. Ang sukatan ng true love ay hindi sa salita at pera lamang, kundi sa kilos at gawa. Malamang bagong pag-ibig ang sisibol ngayon. May lihim na madi-discover na hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 33, 38 at strawberry red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang pagse-saving kung sisimulan ngayon ay lalago nang husto, dahil signos ng Leo ngayon ang mag-imbak ng pagkain. Nararapat pag-aralan ng mabuti ang nilalandas para hindi maligaw ng daan. Anuman ang gawain, very positive ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 27, 40 at navy blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May mga taong sasalungat sa’yo ngayon. Subalit sa taglay na husay, mangingibabaw ka pa rin. Good news dahil maipapamalas ang angking talino na hahangaan nang marami at ng iyong boss. Huwag pakinggan ang tsismis dahil kapahama-kan lang ang dullot nito. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 21, 30 at ruby red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Magiging abala ka sa araw na ito, pero masaya sa resulta ng ginawa. Huwag kang ma-ngako dahil sa pagka-busy ay malamang makakalimutan mo. Isang kaanak o kaibigan ang hihingi ng iyong tulong tungkol sa pera o sa love life niya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 16, 19 at pearl white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Bad news dahil maaari kang masangkot sa intriga su-balit kung hindi magpa-panic at magiging mahinahon sa pagpapaliwanag ng panig, makakalusot. Huwag mong paniwalaan o patulan ang pang-aasar o pamimika ng kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 33, 39, 40 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magandang balita dahil magiging masaya ang araw mo. Mapupuno ng romansa at harmony ang buong pa-milya. Maaaring manalo ka sa isang pustahan o makatanggap ng salaping gantimpala. Lucky numbers at color for the day ang 11, 15, 30, 43 at opal.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maaaring hindi matuloy ang mga binabalak mong gawin ngayon, dahil may ibang importanteng bagay na dapat harapin. Gaano man maging busy sa umaga, magkakaroon naman ng kaluwagan ang oras sa bandang hapon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 21, 29 at mustard yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Isang kamag-anak o kaibigan ang maghahatid ng balita na maaaring ikalungkot o ikaligaya. Alalahanin ang iyong high blood kaya self-control ang kailangan. Kung magiging positibo ang pag-iisip, tiyak magiging positibo ang resulta ng iyong ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 34 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang matagal nang ibig mangyari ay may katuparan nga-yon. Ituloy ang mga binabalak at tiyak matatapos. Huwag mag-atubili sa pagpansin kung ano ang pagkukulang sa tahanan. Hangga’t maaga, resulbahin ang problema para hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 26, 41 at lilac.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Tumpak ang panahon sa pagpaplano ng negosyo. Naaayon din ang araw sa pagpaplano o pakikipag-usap tungkol sa pag-iisang dibdib. Magandang balita dahil magiging maayos ang takbo ng oras at walang kaguluhang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 20, 42 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung anuman ang hinihintay, huwag asahan dahil malabong darating. Magandang balita dahil approachable ang lahat ng tao na gusto mong makausap. May matatanggap na hindi inaasahang balita. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 27, 34 at mint green.

vuukle comment

HUNYO 15

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with