^

Kutob

Hunyo 14, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Iwasan ang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho kasambahay o kaibigan. Isang maligayang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule nang hindi magkabuhul-buhol ang gawain. Tuparin o gampanan ang tungkulin nang buong katapatan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 13, 26, 37 at white or dirty white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maging maagap, ang pagli-lingkod ng tapat ay kailangan sa tungkulin na dapat gampanan. Patungo sa tagumpay ang nilalandas. Mapabuti ang kalagayang pinansiyal kung patuloy ang pagtitiyaga. Umiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 17, 26 at violet.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. May magandang future ang love life. Maligayang romansa na maaa-ring maganap at hahantong sa pag-iisang dibdib. Iwasan ang magpagabi sa daan, lalo na kung maglalakad lang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 32, 39 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Makakabuti ang makinig sa mga payo. Huwag padala sa matinding bugso ng damdamin. May magandang balita mula sa ibang bansa. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 15, 36 at mint green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Iwasan ang labis na gastusin na lalagpas sa badyet. Ang anumang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan na hindi  makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan ang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kahit may kabagalan ang pasok ng pera, kung tuluy-tuloy ang pagsisikap uunlad. Mag-ingat at higpitan ang pagtitimpi sa mga taong mapang-asar at mapaghamon. Magtatagumpay sa isang mahirap na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at garnet red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang career at reputasyon ang mangunguna. Huwag ipagwalang bahala ang mga paratang kung walang katotohanan. Ang bintang na ipinupukol sa’yo ay ipaglaban kung may katuwiran. Harapin ang dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang angking enerhiya ang pagtuunan ng pansin para sa trabaho o gawain. Kailangan ang pag-iingat sa pangungutang. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Kung ayaw mong may pagsisihan sa huli.  Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41 at jade green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kailangan ang pagpapairal ng hinahon at pagkamagiliw. Makakatanggap ng mahala-gang balita o impormasyon na makapagpapabago sa istilo ng buhay. Mag-iiba ang mga plano dulot ng isang hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 15, 20, 30 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang anumang klase ng relasyon ay may kaunlaran. Iwasan ang maging emosyonal. Kahit ano ang mangyari, panindigan ang mga sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 27, 45 at platinum pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Sa kasalukuyang takbo ng negosyo o trabaho, dapat mag-isip ng ibang alternative na mapagkakakitaan. Iwasan ang matali sa anumang pangako na hindi kayang tuparin. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Unawain at pag-isipan ng mabuti bago lumagda ng mahalagang papeles. Huwag kaagad magtiwala sa mga taong makakaharap. Isang kaibigan na may lihim na galit ang iyong matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

vuukle comment

KUTOB HUNYO 14 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with