^

Kutob

Hunyo 12, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit, mag-init ang ulo at ang katamaran. Kaunting panahon na lamang ang kailangan para matamo ang hinahangad kung ipagpapatuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magbubunga ng tagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap. Ngayon magsisimula ang pagpitas sa matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikahos ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at ruby red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang maging matampuhin dahil wala kang mapapala kundi sakit ng damdamin. Sa tulong ng taimtim na dalangin, mapapawi ang mga suliranin at mapapanatag ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at avocado green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May payo na makakabuti at may payo na makamandag. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan, maging sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Pakiramdaman ang kutob at hindi magkakamali sa gawain at ano mang desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pag-aalaga sa kalusugan ng magulang ay dapat asikasuhin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnilian.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Iwasan ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na hindi dapat sirain. Mapalad na transaksyon ang darating, na hindi dapat pabayaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung hindi mo paglalabanan ang iyong katamaran na siyang iiral ngayon, absent ka at walang magagawang trabaho. Kung makapagtrabaho man, magiging maikli ang pasensiya at mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at forest green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Mara-ming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat mong gawin. Makakaramdam ka ng full satisfaction sa matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Maaaring makatanggap ka ng magandang balita mula sa koreo, telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at golden brown. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa gawa at pang-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Mapapapa-sakamay ang hangarin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang maging malikot ang isipan at maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Self control ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine attraction at desire. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Taglayin ang kahinahunan ng pag-iisip dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili, ipakita ang kakayahan dahil ito ang kailangan ngayon. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

vuukle comment

KUTOB HUNYO 12 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with