^

Kutob

Hunyo 11, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Dagdagan ang tiyaga, sipag at panalangin nang madaling matapos ang gawain at makaiwas sa bulilyaso. Pairalin ang pagkamahinahon dahil wala kang pasensiya at madaling mag-init ang ulo. Mukhang magiging sentro ka ng biruan o kantiyawan. Kaya dapat lamang na huwag pansinin upang mapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 33, 42 at yellow. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malamang may mag-alok ng trabaho ngunit dapat pag-isipan ng mabuti at timbangin ang kabutihang idudulot sa sarili at pamilya kaysa kasalukuyang gawain. Kung may pagdedesisyunan, huwag magpadalus-dalos dahil mabigat ang timbang na magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 11, 25, 33, 41 at ivory white.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Simulan ang anumang binabalak dahil kapag hindi pinansin, hindi na ito magagawa. Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Ang hinanakit sa trabaho ay mapapawi nga-yon. Ang taglay na suliranin ay may kalutasan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 26, 35 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maraming gustong gawin na pagbabago pero mahihirapan na ipaliwanag ang panig. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging sensitibo at magi-ging selosa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31, 40 at peach. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag malito sa anumang payo na maririnig, bagkus pag-aralan ng mabuti ang mga de-talye bago magdesisyon. Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan ngunit matatagalan bago ito mabayaran, kaya dapat tanggihan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 23, 34, 42 at light blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Handa mong harapin ang anuman ngayong araw. Magiging masayahin ka at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita mo. Madali kang lapitan ng kahit sino, kaya lang mag-ingat at huwag gaanong magtiwala. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 41 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan mo ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan dahil magbibigay ito ng kapahamakan. Magiging makitid ang isip at madaling magalit. Ang mag-relax ay makakatulong para manumbalik ang kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 15, 35 at eme-rald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag magdalawang isip na ipagpaliban ang balak na paglalakbay dahil talagang hindi ito magandang ideya ngayon. Dapat tanggihan ang anumang uri ng paanyaya. Iwasan muna ang sosyalan. Mag-relax nang mag-isa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 20, 26 at aquamarine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kulang pa ang iyong kaalaman sa trabaho para magmalaki, kaya dapat lamang tutukan at pag-aralan ang bawat detalye. Lumingon ka sa iyong pinanggali-ngan at makakarating ka sa iyong patutunguhan, ika nga. Lucky numbers at color for the day ang 10, 16, 24, 37 at light orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may pagtatampo ang kapareha o minamahal, resulbahin ito bago mauwi sa hindi pagkakaunawaan. Madaling mahanapan ng solusyon ang suliranin kung haharapin at pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 31, 37 at ruby red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Wala kang magandang kinabukasan kung hindi mo iiwasan ang mga barkada. Naaayon ang panahon at dapat simulan ngayon ang pagbabago sa sarili. Walang iba kundi ikaw ang gumagawa ng iyong destiny. Umiwas sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 24, 36 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magandang balita dahil magiging positibo ang iyong pag-iisip sa mga gawain. Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig mangyari. Kung may nilalakad, sa umaga gawin para maasahan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 27, 40 at lavender.

vuukle comment

HUNYO 11

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with