^

Kutob

Mayo 26, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Makakahanap ka ng rason para ipagpatu­loy ang naudlot na proyekto o pag-aaral. Lalago ang isip sa payapang konsentra­syon. Makakapiling mo sa araw na ito ang iyong minama­hal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 28, 34 at neon green. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Tutularan ng marami ang teknik mo sa pag-aayos ng sarili. Kakapusin ka sa kinakailangan na pagkagastu­san pero may sasagip sa’yo. May taglay kang busilak na kalooban na makakaakit ng mga tagahanga. Lucky num­bers at color for the day ang 6, 34, 38, 40 at flame red 

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang pag-iwas mo sa kinakaing­gitang karibal ay magdudu­lot sa’yo ng payapang pag-iisip. Ang pagkakaroon ng mayamang kaibigan ay ma­giging mahalaga sa’yo. Ang bakasyong hinahangad ay maisasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 44, 45 at strawberry red 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Aani ka ng suporta mula sa mga kamag-anak ng iyong iniibig, dahil ito sa kabaitan at pagka­maalalahanin. Mailalagay sa alanganing sitwasyon ang mga ari-arian kung magpapabaya Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 5, 23, 27, 35, at scarlet. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Maging alisto ka sa iyong “diet” dahil kung hindi, baka lalo kang tumaba. Mag-ingat dahil baka makalimot ka sa sarili dahil sa udyok ng ma­panuksong damdamin. Hindi maisasakatuparan ang planong pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 19, 33 at aquamarine. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maiisip mo ang isang ma­layong minamahal at dahil dito mami-miss mo na siya. Huwag magsugal at baka matalo ka. Sisimulan mo na ang ehersisyong matagal mo nang ipinagsasabing gaga­win. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 24, 36 at ruby red. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maaari kang maakit sa mas bata sa’yo. Kakaibang lakas ng loob ang maipapamalas mo dahil sa bugso ng iyong damdamin. Hindi pa tutugon ang kumpanyang pinuntahan tungkol sa iyong application. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 27, 31 at royal blue. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iindahin mo ang pananakit ng katawan na rati mong binabalewala. Mabibigyan ka pa ng dagdag na problema tungkol sa trabaho na mala­mang magkamali o hindi lu­busang magampanan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 20, 36 at navy blue. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Hindi matutupad ng kau­sap ang kasunduan. Poot at paghihiganti ang nasa isip at damdamin. Walang maidudulot na mabuti ang sobrang init ng ulo at ang balak gawin. Lucky num­bers at color for the day ang 5, 14, 17, 41 at baby pink. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malalaman ang kakulangan ng pinagkakatiwalaang tao at dahil dito sasama ang loob. Makikita ng isang mahala-gang tao ang iyong pagbaba­go. Mahihilig sa uso at bagong pamamaraan ng tamang ehersisyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 28, 44 at tangerine 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Huwag mong ilihim ang isang sikreto dahil ito la­mang ang makakalutas sa matagal nang hidwaan ng pamilya. Maging alerto sa maghapon para makaiwas sa anumang magaganap na hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 39, 42 at maroon 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Papansinin ang kaseksihan o kapogian mo sa araw na ito. Pagnanasaan ka ng isang kapit-bahay, huwag mong pansinin ang kanyang pang-aakit, baka ito ang maging simula ng masali-muot na pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 29, 38 at peach 

vuukle comment

KUTOB MAYO 26 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with