Mayo 24, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging handa ka sa ano mang tanong tungkol sa pag-ibig. May posibilidad na abusuhin mo ang iyong katawan sa walang kwentang bagay. Maaaring lumaki pa ang iyong pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 21, 30, 40 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masisiguro sa iyo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hilig o hiling. Makakasama mo sa araw na ito ang iyong minamahal sa isang romantikong lugar para muling iparamdam ang iyong wagas na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 27, 38 at violet.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Mapapansin nila ang kalungkutan sa iyong mukha kahit anong pilit mo itong itago. Masisiguro ang iyong tagumpay sa gagawin na pagsubok kung magiging handa ka lagi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 28, 39 at burgundy.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito. Kukulitin ka ng isang kaibigan na mangingibig dahil sa kanyang problema. Pahalagahan ang reaksyon ng ibang tao kung may katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 23, 30 at cherry red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Mapapatunayan niya sa’yo sa araw na ito kung gaano ka niya kamahal. Huwag kaagad bumigay, bigyan pa siya ng panahon para maipakita ang katotohanan sa kanyang sinasabi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 20, 32 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sumabay sa agos ng buhay para mawala ang nararamdamang sama ng loob. Mababawasan ang iyong responsibilidad sa araw na ito. Kaya maganda kung magre-relaks ka muna. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 47, 42 at brick red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Papaburan ng mga kaibigan ang iyong napupusuan kaya lang, sarili ang nakataya kaya mag-ingat. Hangga’t maaari huwag munang lumabas, hindi mo magugustuhan ang klima sa labas na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 35, 40 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masigla ang paglalagi sa bahay kasama ang mga minamahal. Hihintayin mo ang desisyon ng minamahal bago kumilos. Mayroong hihingi ng pabor sa’yo na hindi mo mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 24, 40 at ivory white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Maraming magtatangkang manligaw sa’yo, subalit hindi lahat sila ay may mabuti at malinis na layunin. Ma-rarating ang malalayong lugar na may kinalaman sa trabaho at tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 21, 37 at corn yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging balisa ka sa mga araw na ito dahil sa ma-ling pasya na ginawa. Kailangan ituwid mo ito para magkaroon ng payapang isip. Huwag makinig sa sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 25 at turquoise.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Mararating mo na ang nais na lugar kasama ang espesyal na tao sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang  3, 11, 29, 39, at royal blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Iwasan ang bisyo na kinagigiliwan dahil kapag nagkataon, uubusin ang iyong oras sa walang kuwentang bagay. Ngayon mo aanihin ang wagas na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang  5, 20, 26, 33 at maroon.

 

 

KUTOB MAYO 24 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with