Mayo 23, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Isang suliranin ang darating na kaila-ngan mong mamili sa dalawang taong nagmamahal sa’yo. Huwag dayain ang puso at maging tapat sa sarili. Madaling kitain ang pera kung magsisipag ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal gayunpaman darating ito sa tamang panahon at oras. Gawin ang lahat para sa minamahal pero dapat may limitasyon. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay masama. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 29, 37 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasan ang maki-pagtalo sa magulang at mga kasamahan sa trabaho dahil posibleng mangyari ito sa’yo. Dahan-dahan sa paglalakad sa madudulas na lugar dahil may kahinaan ang tuhod. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 21, 24 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi ibinibigay, ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigan mong nakakaangat sa buhay dahil pinagsikapan nila ito. Malalampasan mo sila kung gagawin mo rin ang ginawa nila. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 33, 40 at lemon green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid. Nakatakda kang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig at pagmamahal. May isang kaibigan na magpapautang sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nasa halamang gamot ang lunas sa iyong karamdaman. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa. Huwag maging madamot sa personal na gamit. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 27 at apple green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masakit ang iyong ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o sobrang pag-inom ng alak sa nakalipas na gabi. Kung hindi mo ito titigilan, malaking halaga ng pera ang mapupunta sa doktor. Kalusugan ang tanging yaman na dapat ingatan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 31, 44 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng iyong minamahal sa isang mayamang tao. Basahing mabuti ang anumang papeles na kailangang lagdaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Maluwag ang iyong dibdib dahil sa ginawa mong pagpapatawad sa isang taong malaki ang pagkakasala sa’yo. Asal bata ka ngayon, pati ang mga magulang mo ay nagtataka sa iyong inaasal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 38 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mataas ang pangarap mo sa araw na ito. Kung paano mo ito sisimulan ay isang malaking palaisipan na siya mo namang ipanghihina. Huwag masyadong magpuyat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at ocean blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Makakatanggap ka ng malungkot o nakakagalak na balita sa pamamagitan ng text. Alaming mabuti bago magpaapekto, baka na-wrong sent lang. Maraming hahanga sa’yo dahil sa ipinakitang talino at sipag. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Umiwas sa mataong lugar lalo na’t madilim ang kapaligiran. Alalahanin at alagaan ang kapakanan ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 28, 35 at orange.

HOROSCOPE MAYO 23
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with