Mayo 21, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag idaan sa pagkaemosyunal kung gipit ka ngayon. Dahil bukas o sa makalawa, tiyak makakaahon kung magsisipag at magtitiyaga sa pagkilos. Walang mapapala kung panay salita at plano. Ang ngayon ay hindi na babalik bukas, huwag sayangin ang oras. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 37 at 43 at jade green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malalantad ang katotohanan. Kung may itinatagong lihim sa’yo malamang ngayon mo ito malalaman. Kung ikaw ay nagsisinungaling, madidiskubre. Umiwas sa tsismosa para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 25, 31, 43 at light blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Mag-ingat dahil lapitin ka nga-yon sa mga taong tuso, mapagkunwari at mandarambong. Maliban sa tunay na kilala, huwag basta magtiwala. Iwasan ang magsuot ng alahas o magdala ng malaking halaga. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 24, 35 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may itinatagong lihim, malamang mabunyag. Kung may utang, sisingilin ka nga-yon. Kung nagkautang, malamang makakabayad ka na o mababayaran kung ikaw ang inutangan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 17, 38, 40 at green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang problema sa pag-ibig ay malamang susulpot. Kung mangyayari ito, unawa at hinahon ang kailangan. Kung idaraan sa init ng ulo ang suliraning ito, malamang hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 22, 34, 42 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may balak na pagne-negosyo at sisimulan ngayon, tiyak na matatamo ang kaunlaran. Kung may suliranin, makakatulong ang isang malapit na kaibigan o ang isang psychic. Lucky numbers at color for the day ang 1, 21, 32, 45 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasang maging mapagpuna o mapanghusga sa masasaksihan. Kung ang makikita ay hindi maganda, huwag magtaka dahil salamin ito ng iyong sarili. Baguhin ang hindi magandang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 20, 28, 43 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat dahil ikaw ang gagawa ng sariling kapalaran. Kung may pagdududa sa ginagawa, huwag ituloy dahil babala ito ng kapalpakan o pagkakamali. Gamitin ng wasto ang oras. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 31, 35 at orange.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung may naisip, gawin kaagad dahil may magandang resultang naghihintay. Iwasan ang magpaliguy-ligoy sa nais sabihin. Maganda ang araw na ito para sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 27, 38 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang negosyo o transaksiyon. Kung nagkaroon ng suliranin sa umaga, mag-relax muna at i-cancel o i-postpone ang mga appointment. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 18, 35 at apple green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Lubos ang pagka-charming look mo ngayon. Kaya huwag magtaka kung may manliligaw. Magiging mabisa sa transaksiyon ang iyong pagkatao dahil magiging kabigha-bighani ka sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 28, 36 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung hindi mapaglalabanan, absent ka sa trabaho nga-yon, dahil sa katamaran o kaunting karamdaman. Wala kang iintindihin kundi sari-ling kapakanan na maaaring pagmulan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 27, 39 at pink.

2019 HOROSCOPE MAYO 21
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with