May 19, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakatotoo ang iyong kutob. Subalit makakabuti kung mag-imbestiga ka muna bago magpasiya. Huwag hayaang mabigo ang isang kaibigan na inaasahan ang iyong tulong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 36, 39 at marine blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Aatakihin ka ng hypertension sa araw na ito bunga ng sobrang pressure at pagod sa trabaho, kaya mag-ingat. Mabuting magpahinga muna. Tanggapin ang alok na tulong ng higit na nakakataas. Lucky numbers at color for the day ang 2, 30, 34, 40 at shocking pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag maniwala sa mga sinasabi ng minamahal na mahal na mahal ka niya. Huwag agad isuko ang iniingatang dangal dahil sa gusto niyang patunayan mong mahal mo siya. Hayaan mong siya ang magpatunay ng kanyang pagmamahal sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 26, 37 at brown.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Tanggap na ng mga taong malapit sa’yo ang iyong pagkatao. Huwag maniniwala sa taong kakakilala mo lang. Pahalagahan ang reaksiyon ng matagal nang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 30 44 at emerald green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malululong ka sa mga bisyo kung magpapabaya. Hintayin mo ang desisyon ng minamahal bago ka pumalaot. Iwasan ang pagiging magastos dahil may kakailanganin ka sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 20, 31 at magenta.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Ngayon mo aanihin ang iyong wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Lucky numbers at color for the day ang 8, 22, 34, 39 at indigo.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging handa ka sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig. Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito, dahil sa kasiguraduhang ipinakita sa’yo. Lucky numbers a color for the day ang 4, 11, 30, 37 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maraming mag-aalok ng pag-ibig sa’yo, pero hindi lahat sila ay maganda at wagas ang layunin. Mag-ingat sa pagdedesisyon. Karamdaman ang magpapahina sa’yo sa bandang hapon. Bigya ng sapat na atensiyon ang iyong kalusugan. Iwasan ang pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 27, 40 at tangerine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ka ng magandang araw. Ikakagalak ang pag-galing ng isang kaibigan mula sa malayong lugar. Mag-impok para sa pinaghahandaang kasal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 32, 43 at white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Maligalig ang iyong isip dahil sa nasagap na balita. Iwasan ang pag-iisip ng masama sa iyong kinakasama. Wala kang problemang pinansyal ngayon, subalit ang problemang pag-ibig ang maghahari. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 20, 35 at garnet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mabuting umpisahan ng maaga ang mga balak para sa linggong ito. Iwasan ang makipagkasundo sa dating kasintahan, baka ito ang maging dahilan para mapahamak ka. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 25, 43 at baby pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ngayon magigising ka na sa isang malaking kahibangan. Natuklasan mong mali pala ang pag-ibig na ipinaglalaban. Subalit nakatakda na muli kang mai-in love. Balanseng gamitin ang isip at puso. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 36, 41 at yellow.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with