^

Kutob

Mayo 16, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakaroon ng hidwaan sa isa sa mga kasambahay, kaibigan o kasamahan sa trabaho. Kalimutan na ang nakaraan. Maghahanap ng mapaglilibangan kasama ang mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 29, 33 at lavender.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Marami kang pakikitunguhang mga tagasuporta sa pulitika. Magkakaroon ng bagong pag-ibig. Ang mga ngiti sa iyong mukha ay masisilayan dahil sa ibibigay ng minamahal. May surpresang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 38, 31 at midnight blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Balansehin ang oras sa mga kaibigan at minamahal. Maglaan pa ng dagdag na oras para matapos ang si-nimulan. May kakaiba sa iyo sa araw na ito na mapapansin din ng mga nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 38, 41 at mustard yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Mapagkakakitaan ang mga bagay na itinabi mo noon. Tatamarin kang makipagkita sa isang katagpo. Kailangan ang pagpapasensya sa kamag-anak na magiging pa-saway ngayon. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 30, 37 at ruby red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Sisipagin kang mag-ayos ng mga parapernalya sa bahay. Magkikita kayo ng iyong minamahal sa araw na ito. Malulusutan mo ang kasalanan. Pero darating ang sandaling mabubuko ka rin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 10, 35 at emerald green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Matatapos na rin ang iyong problema na may kinalaman sa kalusugan. Makakatanggap ka ng proposisyon ga-ling sa itaas. Pag-ukulan ng pansin ang pakiusap ng iniibig. Isang imbitasyon ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 32, 38 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Susuportahan ka ng mga kaibigan sa bagong lara-ngan ng negosyo. Mapapawi na rin ang pag-aalala na matagal mo nang dina-dala at nararamdaman. May magandang oportunidad na paparating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 20, 43 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maiiwasan mo ang isang delikadong libangan na magsasalba sa iyo sa kapahamakan. Mapapasakamay mo na ang matagal nang hinahangad. Maaangkin mo ang gantimpala ng paghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 17, 30, 44 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masisiguro sa’yo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hinihiling. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga ‘di karapat-dapat. Magplano para maging tama ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 21, 33 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Mararapatin mong alamin ang hangarin ng iniibig. Makikita mo ngayon ang isa sa nakaraan mo noong nasa maling landas ka pa. Kakapusin ka ng pera sa araw na ito, maging masinop sa paggasta. Lucky numbers at color for the day ang 11, 15, 23, 39 at platinum pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ilalaan mo ang iyong atensyon sa taong mas nangangailangan. Magkakaroon ka ng maraming katanungan tungkol sa problemang puso. Pero makulay ang love life mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 37, 9 at orange.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Paglaanan mo ng pansin ang mga bagay na nangyayari sa kapaligiran. Hihikayatin ka ng isang negosyante na mamumuhunan sa nausong negosyo.  Pag-isipan at pag-aralan ng mabuti bago sumang-ayon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 35, 42 at aquamarine.

vuukle comment

MAYO 16

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with