^

Kutob

Abril 25, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang inaakalang tama noon ay mali pala. Kung may suliranin sa nakaraan na hindi nalutas, ngayon magkakaroon ng magandang pagkakataon na ito’y masolusyunan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may matutuklasang lihim. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 22, 34 at violet.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang kuwentang isyu. Okay lang ang iniisip na makipagkomprontasyon para maipara-ting ang katwiran, ngunit gawin ito sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 33, 40 at mustard yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Pakinggan ang suhestiyon ng mga kaibigan, kung inaakalang makakatulong ito sa sa-rili. Sundin ang kutob at hindi magkakamali. Isang mahalagang bagay na matagal nang hinahanap ang lilitaw. Umiwas sa tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 31, 40 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Hindi maiaalis ang intriga sa trabaho kaya’t huwag na lamang itong pansinin. Kung may taglay na suliranin, tanging ang magulang ang makakatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 16, 34 at aquamarine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Huwag paniwalaan at patulan ang mga pamimika nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Huwag mang-agaw o mang-angkin ng hindi mo pag-aari. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 30, 34 at white.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Iisantabi muna ang sosyalan at harapin ang suliranin ng pamilya. Aani ng malaking suporta kung ang ipinaglalaban ay makatarungan at alinsunod sa magandang asal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 36, 43 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag iisantabi ang pro-blema ng kapatid, kaanak o sariling anak. Ang mga bagay na napabayaan ay mapag-uukulan ng panahon para maipagpatuloy at matapos. Huwag pakawalan ang magandang pagkakataong darating. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 40, 41 at magenta.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan ang kasamahan na maglalagay sa’yo sa kapahamakan. Isang kaanak ang nangangailangan ng patnubay subalit dahil sa impluwensya ng barkada ay dedma ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 31, 37 at yellow gold.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ihanda ang sarili at ma-ging matatag. Ang gipit na sitwasyon ay malalampasan kung hahanapan ng tamang solusyon. Magkakaroon ng balakid at hindi ito matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 21, 39 at rust.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Magiging malakas ang bugso ng damdamin tungkol sa pag-ibig. Ang pakikipag-date ay inaayunan ng panahon. Malakas ang karisma at magneto ng pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 24, 27 at platinum white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag pilitin ang sarili sa anumang hakbang kung may alinlangan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng tunay na damdamin nang maiwasan ang naka-ambang gulo o hindi makasugat ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 22 at cream.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang matuyuan ng pawis lalo sa likod. Maaa-ring humingi ng karagdagang pansin at pagpapahalaga ang kalusugan. Magpa-check up sa doktor kung may dinaramdam para hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 29, 42 at midnight blue.

vuukle comment

ABRIL 25

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with