^

Kutob

Abril 23, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May pagkakataon na ang tahanan ay mapagtuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at gold.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon para sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahihirapan ka magpaliwanag sa kaparehas o sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at old rose.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Bad news, magiging seloso ang ka-partner, kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Magandang balita dahil magiging malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa anumang payo na mariri-nig, sa halip pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at silver.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang mag-relax o mamasyal ay makakatulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang maging pikon at madaling pag-iinit ng ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na paglalakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw.  Isang mahalagang email ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan muna nang mabuti at timba-ngin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama.Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang tunay na kaibigan, hindi lang sa ginhawa kundi lalo na sa kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing lang. Huwag basta magtiwala, lalo na sa kakakilala lang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Nasa mood at kasiglahan ka at handang harapin ang ano man. Magiging masayahin na halos lahat nang kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Alam mong tama ka, su-balit lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang suliranin dahil may kalutasan ito kung pagtutuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magandang balita dahil magtatagumpay ka sa nila-lakad at magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

vuukle comment

ABRIL 23

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with