^

Kutob

Abril 22, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Maaaring hihingi ang katawan ng paglilibang. Mabuting paglabanan ang masamang bisyo sapagkat bukod sa magigipit sa pera, malimit na away pa ang mapapala. Tiyakin na hindi makapangutang dahil mahihirapan magbayad. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 10, 14 at platinum pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maging alerto sa paligid kung nasa labas ng bahay. Kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat maaaring mawalan ka ng gamit. Ilagay lagi sa isipan ang mga mahahalagang bagay upang ito ay hindi makalimutan o maiwaglit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 13, 28 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang kaunting suliranin sa negosyo o hanapbuhay kung hahayaan ay maaaring maihambing sa isang saranggola na nawalan ng hangin. Ang maagap na paghanap ng tamang solusyon ang tanging epektibong hakbang. May pagkakataon na maagapan at mahanapan ng solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 29, 38 at sapphire blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masigla ang katawan kung patuloy ang pag-aayos sa tahanan. Ang personal na suliranin ay maaaring makatagpo ng katapat na solusyon. Patawarin ang nagkasala upang gumaan ang hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 38 at pink.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Pigilin ang sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Makakabuting pairalin ang disiplina sa sarili. Pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago gumawa ng hakbang o desisyon. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 27, 32 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang may hindi inaasahang panauhin na hihingi ng tulong, ngunit hindi kayang paunlakan. Malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay kung iiwasan ang mga tsismosa. Huwag magtiwala sa kahit na kanino ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 19, 21, 31, 41 at dollar green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Iwasan ang maging masalita at baka makasagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaki ang pakinabang kung magiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Magpasalamat dahil magiging magaan ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 21, 23, 24, 34 at magenta.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may dinaramdam, tiyakin na makapagpatingin kaagad sa doktor. Huwag basta uminom ng gamot at baka ma-allergy. Iwasan na matuyuan ng pawis sa katawan, mabasa ng ulan o ambon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa. Kakailanganin ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa isang pakipagsapalaran, lalo na sa negosyo. Iwasan ang mga bagay o inumin na makakasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maging matatag na harapin ang katotohanan. Huwag iwasan ang responsibilidad na naka-atang sa balikat. Kailangan pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain upang maiwasan ang magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 25, 42 at cannary yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ituloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang. Ang maging maagap sa lahat ng bagay ay may dulot na pakinabang. Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal, kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 26, 37, 40 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Paglabanan ang tukso ng karangyaan, sapagkat alam ng sarili kung may kakapusan sa pera. Matutulungan ng isang kaibigan o kaanak sa suliranin kung magiging tapat. Iwasan ang ano mang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 31, 39 at emerald green.

vuukle comment

ABRIL 22

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with