^

Kutob

April 18, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang payo tungkol sa pinansyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasya ay maglalagay sa’yo sa panganib. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na panahon para magpahinga. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyang halaga. Kailangan ang mag-ingat. Simulan ang magtipid. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa badyet at magsimulang mag-impok upang may magamit kung may kailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Ang magtipid ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magsabi ng tapat at totoo. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sa sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawala ang tiwala ng kapwa. Maaaring may pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Mag-ingat sa mga mapag-samantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong mangyayari na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil malaking tulong ito ngayon. Hindi tama ang pagwawalangbahala sa taglay na suliranin. Dapat kumilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang hakbang na may kinalaman sa pera. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran o hindi makakabayad sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa babae, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang kumplikasyon tungkol sa salapi sa nagdaang araw ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang usapan na walang halaga, dahil mapasangkot sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Aabalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan dahil magbigay ito ng kasiyahan sa’yo. Sa paraang mahinahon ang suliran kasangkot ang kasamahan sa trabaho o sa tahanan ay medaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa sulirainng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng talino at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pagpapasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pag-paplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matapos ang gawain na sinimulan dahil walang hadlang o abala. May pangyayaring hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41 at indigo.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with