^

Kutob

Pebrero 20, 2019

Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May pagbabago sa relasyon o trabaho ang magaganap. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa salapi. Huwag mangutang o magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 17, 20 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Wala dapat asahan ngayon kundi ang sarili. Ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig o sa trabaho. Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralang mabuti. Kailanman, ang pagmamadali sa pagpasya ay hindi nag-iiwas sa panganib. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 17, 23 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Suriing mabuti ang mga proposisyon bago sumang-ayon. Ang anumang transaksyong pang personal o negosyo ay dapat isagawa sa umaga. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong magaganap tungkol sa pag-ibig o trabaho. Lucky umbers at color for the day ang 9, 11, 18, 40 at metallic green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Akyat-panaog ang sitwasyon sa pag-ibig. Iwasan na magkaroon ng alitan tungkol sa pag-ibig. Iwasan pansamantala ang makipagtagpo o makipag-date sa kasintahan o minamahal. Angkop ang araw sa pagpapayaman ng karunungan at karanasan. Ang mga nagmamalasakit sa kapakanan ay dapat mabigyan ng regalo o pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 17, 26 at peach.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Makakaharap ka sa alanganing sitwasyon. Ang kumplikasyon tungkol sa salapi ay maisasaayos. Huwag pansinin ang maririnig na mga usapan na walang halaga para iwasan ang pagsasayang ng panahon at nakaambang kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 24, 36 at navy blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang mag-alinlangan tungkol sa relasyon. Sa mga dalaga, ang malabis na pagseselos ang papatay sa relasyon. Ang magtiwala ay kakambal ng tunay na pag-ibig. Hindi dapat magpadala sa sulsol o paninira ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 30, 40 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ilagay sa tama ang gastusin, bayaran ang pinagkakautangan. Mahalaga ang tulong ng mahal. Maging mahinahon sa pagtanggap ng pagkakamali. Ang mga taong malapit sa kalooban at nakakatulong ay dapat pahalagahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 41 at indigo.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hanapin ang tamang paraan upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang negosyo o trabaho. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip. Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagsasaliksik ng mga makabagong paraan. Matatapos ang gawaing sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 27, 42 at Pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kooperasyon sa trabaho o mga gawain ay aasahan ng mga kasamahan. Maaaring magbigay ng payo ang isang kaibigan sa kalagayang pinansyal. Patungo sa tagumpay ang buhay, kung pananatilihin ang kasipagan. Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 27, 29 at honey yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag mabahala kung may mga pagbabago. Sa paraang mahinahon, ang problema na kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Abalahin ang sarili sa paggawa sa tahanan o pinapasukan. Maaasahan ngayon ang payo ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 29, 40 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Daranasin ang kaligayahan kung mapipirmi sa loob ng tahanan. Ang bagay na may kaugnayan sa pinansyal ay dapat bigyang pansin at wastong paraan sa paggamit. May kahirapang pakibagayan ang minamahal o mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 18, 28 at Green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maitatawid ang anumang suliraning magaganap. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Bigyang pansin ang kalusugan. Ang magandang kapalaran ay umaayon sa salapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 18, 42 at malachite green.

 

vuukle comment

PEBRERO 20 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with