^

Kutob

Pebrero 15, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Makikinabang ng malaki sa tulong na ibigay ng bagong kakilala, kaibigan o kamag-anak. May pagbabagong magaganap sa takbo ng relasyon. Ang pagsubok na darating sa buhay ay malalampasan. Magiging magaan ang kalooban kung makakadalaw sa kamag-anak, kaibigan o kasintahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 38 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malapit ka ngayon sa aksidente, kaya ibayong ingat ang dapat gawin. Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Sundin ang payo ng mga magulang sa larangan ng pinansyal o pag-ibig. Iwasan ang date o pamamasyal kasama ang kasintahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 22, 40 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Unti-unting magbubunga ang pagsisikap subalit kailangan ang dagdag na tiyaga. Pairalin ang isip kaysa sa puso, dahil kung mapapasubo tiyak magsisisi. Ang malimit na pag-aaway ay dulot ng kakulangan sa komunikasyon sa bawat isa. Iparating sa m­­ahinahon na paraan ang mensahe kung ano ang gusto. Mag-ingat sa pagsaka­y sa pampasaherong sasakyan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 34, 36 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang unti-unting panlalamig ng minamahal ay huwag hayang lumala.  Kailangan ang atensiyon at pagkalinga sa mga bagay at kapakanan ng minamahal. Maging hinahon at iwasan ang tsismis. Umaayon ang panahon sa paghanap ng solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 29, 35 at fuchsia.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasang makinig sa mga sulsol ng mga taong nakapaligid. Darating ang taong kausap. Malalagay sa alangangin ang kalusugan kung hindi titigilan ang labis na pagpupuyat. May surpresa sa pag-ibig. Kailangan ang pagkilos dahil hindi matatapos ang gawain kung panay salita lamang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 28, 33 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang sosyal na buhay ay maaaring  maraming kontrobersiya. Makakadalo sa kasayahan ng isang kaopisina, kaibigan o kamag-anak. Masaya ang pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay. Maginhawang magampanan ang gawain at mabilis itong matatapos. Walang magiging suliranin sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 36, 37 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Tatagan ang kalooban at bawasan ang init ng ulo sa anumang mangyayari. Huwag magmatigas at sundin ang pangaral ng magulang o nakakatanda. Magkakaroon ng panahon na dalawin ang kamag-anak. May mga bagay na tatawag ng pansin at interes sa loob ng bahay o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 23, 28, 38, 42 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mahalaga ang panahon sa pagdalaw sa mahal sa buhay. May pagkakataon na maituwid ang mga maling nagawa na hindi sinasadya. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya o ang mahal sa buhay kaysa trabaho. Ang pagkakaunawaan ng bawat isa ay tawag ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 40, 41 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Sikapin na matugunan at maisakatuparan ang naipinangako. Magiging abala sa trabaho o sa ibang bagay. Gugugulin ang nalalabing mga oras sa paglilinis ng labas at loob ng tahanan. Iwasan ang maglasing o magsugal. Huwag paunlakan ang anumang paanyaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 18, 34 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Walang magiging sagabal sa pagtupad ng obligasyon. Masasabi sa minamahal ang tunay na damdamin o saloobin. Positibo ang mga tugon kaya hindi dapat mag-alala. Magandang pakitunguhan ang mga kaibigan o mga kamag-anak ngayon. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 36, 40 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kilalaning mabuti ang mga taong nakasalamuha at huwag basta ibigay ang tiwala. Ang mga kamag-anak ay may maitulong sa pagtaguyod nang binabalak. Maginhawang maitatawid ang mga obligasyon. Mag-ingat sa mandurukot o snatchers. Lucky numbers at color for the day ang 16, 23, 40, 42 at electric blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Makakabuti ang makinig sa suhestiyon ng mga kaibigan. Kumilos ng maaga para maraming magawa. Ang tanging maliwanag ay ang muling pagbabati ng minamahal. Ang anak o mga anak ang siyang magdudulot ng kaligayahan. Kaligayahan ang mananatili sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 35 at orange.

vuukle comment

PEBRERO 15 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with