^

Kutob

Pebrero 13, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging mabunga at mabiyaya ang araw kung hindi tatamarin. Mabibigyan ng tamang lunas ang suliranin sa loob ng tahanan o sa tanggapan. Isang kaibigan ang tatawag ng iyong pansin dahil sa kanyang suliranin. Maaaring may magkasalungat sa mga ideya ang mangyayari sa tahanan o pinapasukan. Magagamit mo ngayon ang talino sa pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 24, 33 at lemon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maganda ang landas sa personal na hangarin kung bibigyan ng pansin at panahon. Ang kalagayan sa buhay ay may pagbabagong nilalandas. Ang suliranin ay may maliwanag na daan sa kalutasan. Ang panahon ay umaayon sa pagtupad sa binitiwang pangako. Maaaring may ups and downs na lulutang sa iyong pribadong relasyon. Magandang pagkakataon para baguhin ang mga pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 10, 31 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May pagkakataon na mapagbuti ang kalagayang pinansyal kung paglalaanan ng panahon ang paghahanap ng solusyon. Ang tiwala ng kapwa ay dapat suklian ng tapat na paglilingkod. Walang masama sa pag-iisip nang mapagkakakitaan, basta sa legal na paraan gawin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 24, 42 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging magaan ang pasok ng pera kung may negosyo. Isang limot na pag-ibig ang maaaring manariwa. Ang kakayahan ay maghahatid ng papuri at paghanga. Malapit ka sa disgrasya ngayon, kaya taimtim na panalangin at ibayong pag-iingat ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 36, 42 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) May kaibigan na marunong magmalasakit para sa ikabubuti kung kakailanganin. May bibisita sa iyo na matagal nang nami-miss. Pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagmamasid, may sekreto kang matutuklasan. Kung may nawala, huwag hanapin sa malayo dahil nasa paligid at malapit lang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 36, 42 at Yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iwasan ang maghangad ng bagong relasyon sa pag-ibig o bawal na pag-ibig, dahil bukod sa sisirain ang pagtitiwala sa’yo, malaking gulo ang nasa dulo. Matatanggap sa inaaplayan, kung lalakarin. Ang mahal sa buhay ay maaasahan ng tulong kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 28, 31 at Green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag abusuhin ang sarili sa pagpupuyat, paglalasing o pagsusugal. Panindigan ang bibitiwang pangako para hindi masira ang reputasyon at pagkatao. Maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Kung inaakalang may ihihingi ng tawad sa kapwa, ngayon ang tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 5. 10, 28, 30 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malaking pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig. Maaaring makagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa anak, kapatid o kaibigan. Naaayon ang panahon para lapitan ang mga maimpluwensyang tao upang makahingi ng tulong. Magiging suliranin ang tungkol sa kailangang gastusin. Huwag mag-atubiling lumapit sa paghingi ng tulong, dahil hindi mabigo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 17, 36 at beige.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Nang dahil sa tindi ng pangangailangan, iwasan ang matukso sa masamang gawin. Mag-ingat sa pagbubuhat ng mabigat na bagay dahil may kahinaan ang bandang baywang. Ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kagamitan o mga bagay. Iwasan ang mamagitan sa away o pagtatalo ng iba dahil tiyak, ikaw ay masasangkot. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 36, 40 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang hindi inaasahang balita ang magbibigay ng kaligayahan. Makakagawa ng isang bagay na kapakipakinabang sa pinagtatrabahoan o sa sarili. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, ingatan ang makapagbitiw ng masakit na mga salita. Huwag magpautang at huwag umutang dahil mahihirapan sa pagbabayad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 14, 27 at gold.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung gustong makarating sa patutunguhan, dapat marunong lumingon sa pinanggalingan. Mahalaga ngayon ang makinig sa payo ng mga magulang. Maaaring makarating sa isang pagtitipon na hindi inaasahan na mapuntahan. Maging totoo ka sa iyong sarili at sa iyong mga sinasabi. Bigyan ng limitasyon ang tinatamasang kalayaan at huwag abusuhin ang pagtitiwalang ibinigay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 31, 36 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May panahong nakalaan upang mapag-ukulan ang pansariling binabalak. Huwag gaanong ibigay ang tiwala sa iba, maliban sa sarili. Isang hindi inaakalang magandang surpresa ang darating. Maaaring matambakan ka ngayon ng trabaho na siyang makapagpapainit ng iyong ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 42 at peach.

vuukle comment

PEBRERO 13

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with