Enero 24 , 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung binabalak nang magsauli ng mahalagang bagay na napulot, malaking tulong para sa tunay na may-ari at may pabuyang makakamit. Ang pagdalo sa isang seminar ay magdudulot nang karagdagan kaalaman sa binabalak na negosyo o hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 29, 32, 38 at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maraming oportunidad ang darating kaya huwag magpabaya nang may mapala. Iwasan na patangay sa bugso ng damdamin, dahil dadalhin ka sa kapahamakan. Iwasang sumama sa barkada para maiwasan ang kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 15, 29 at scarlet.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Huwag maniwala sa tsismis. Makakabuting tiyakin muna ang lahat bago magdesisyon dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Walang mawawala kung aalamin ang mga detalye bago magpasya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 19, 37 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita para maiwasan na makasakit ng damdamin. Maaaring maging ugat ng pagkainis ang mga usapan sa paligid. Iwasan ang magmura at mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 31, 40 at strawberry red.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag ipagwalang-bahala kung may matatanggap na babala para maiwasan ang panganib. Ang inspirasyon sa pag-ibig o gawain ay magdudulot ng lakas at liksi sa pagkilos. Malulutas ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 32 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung sipag ang gagamitin, tiyak makakamit ang tagumpay na pinapangarap. Matamis na bunga ang pipitasin mula sa pagsisikap sa tungkulin. May surpresang matatanggap. Sagittarius ang magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 29, 45 at sky blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Magpapakita ng pagkabahala ang isang kaibigan na matagal nang may lihim na damdamin dahil sa kasalukuyang manliligaw. Makakabuting pahalagahan ang katapatan at tiwala ng isang malapit na kaibigan, kaysa bagong kakilala. Huwag magtiwala sa bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 25, 31 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Alam ng sarili kung ano ang masamang bisyo, mabuting putulin ito. Dahil kapahamakan ang patutunguhan kung ipagpapatuloy. Ang masamang bisyo at pagkakamali ang magtataboy sa mga biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at apple green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kung gustong matupad ang binabalak, kailangan ng sipag at tiyaga. Huwag mangarap nang labis dahil masasaktan ka lamang kung mabibigo. Sipag at tiyaga ang kailangan para makamit ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 43 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May mga suliranin ang kasambahay na dapat pakialaman para agarang mabigyan ng lunas. Ordinary ang takbo ng mga bagay at gawain. Ang suliranin sa relasyong ay magkakaroon ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 27, 40 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag balewalain ang pagsisikap dahil nasa tamang landas ka ng tagumpay. Ang tagumpay sa negosyo ay lamang ngayon. Ang kalusugan ay dapat bigyan ng tamang pansin at tamang pangangalaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 28, 39 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nasa pagitan ka ng kulang sa oras sa pamilya at sa trabaho. Nasa iyong desisyon kung ano ang dapat gawin. Gamitin ang kutob dahil malakas ang ESP. Ang problema ay mahahanapan ng solusyon sa tulong ng kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 30, 42 at tangerine.

2019 HOROSCOPE ENERO 24
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with