Enero 23, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2019 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maraming gawain subalit kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang mag-pagod, matuyuan ng pawis o maambonan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan, subalit hindi ka direktang kasali. Subukang ayusin ang sigalot at tiyakin na hindi makakasali sa kaguluhan. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ano man ang gawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na plano. Huwag magpa-dalus-dalos sa gustong gawin. Nagiging ugali ang magpabaya, dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi maiiwasan ang argument subalit makakalayo away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumentong nagsisimula sa simpleng hindi pagkakaunawaan. Sikapin na hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain na hindi mo matatanggihan, subalit mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi ito abag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Isang magandang balita ang matatanggap. Mag-ingat sa sabihin dahil baka ang balitang sana ay maganda ay maging pangit dahil sa paraan nang pagtanggap ng iba. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin, kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung gulung-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan at kung naiisip na walang mangyayari sa relasyon, hindi masama kung puputulin ito hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Isang proyekto ang hahamon sa iyong talino ang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan para makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa’yo. Huwag igiit ang sarili at huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos nang walang hadlang. Isang kaibigan o kamag-anak ang malamang darating at maghihinaing ng kanyang problema. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makilala na ang unang titik ng pangalan ay A, C o M magkaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Taurus dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at lilac.

 

KUTOB ENERO 23 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with