Enero 21, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Walang kasingsaya kung nasa piling ng mga mahal sa buhay. Ang pagkakaisa ng pamilya ay siyang sadyang pakay mo ngayon. Malaki ang pagkakataon na magampanan ang responsibilidad sa pa-milya maging ama, ina o anak. Lucky numbers at color for the day ang 23, 32, 40, 43 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maaaring may suliranin ka subalit sa tawag ng panahon, maaaring makalimutan ito nang pansamantala at makisaya. Huwag tutukan ang problema ngayon, dahil ang kalutasan ay darating sa tamang panahon. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 6, 13, 31, 40 at red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Mag-ingat dahil maaaring ma-biktima ng mapagsamantala, maging alerto. Pag-isipan muna ang mga bagay na dapat gawin bago simulan o bago magdesisyon. Taos pusong panalangin ang kailangan para mabigyang liwanag ang iniisip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 32, 44 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag ikahiya ang kahirapan kung sa malinis na paraan nanggaling ang ihahain sa hapagkainan. Magplano, kumilos, magtiis at magtiyaga, tiyak nasa tamang landas ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 23, 40 at lavender.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) May mga kumplikasyong sasalubong sa iyo ngayon. Ngunit kung buo ang loob at hindi magiging emosyunal, matatamo ang tamang solusyon. Lahat ng bagay ay may katapat, nasa sarili ang pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 38 at navy blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Pagsisisihan mo kung magpapadala ka sa udyok o hikayat ng iba. Gamitin ang sariling desisyon dahil nasa panig ang lakas ng ESP. Kung inaakalang nasa katuwiran, huwag matakot na ipaglaban. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 11, 18, 21, 41 at violet.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Kung may lihim, malamang may makakatuklas. Kung nagyayabang, malamang mabubuking. Kung namamangka sa dalawang ilog, may bagyong parating. Masarap mabuhay sa katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 22, 24 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May mga paanyayang matatanggap. Kung makakadalo sa party, may bagong makikilala. Kung may makilala na ang unang titik ng pangalan ay C o R magkakaroon ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 22, 41 at purple.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kung pera ang kulang at ipagtatapat sa kaibigan o kamag-anak, maaaring maresulba ang problema. Kung pag-ibig ang kulang, huwag maging mapusok dahil kapahamakan ang dulot. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 33, 43 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Makisaya ang sadyang pakay, subalit mag-ingat sa mga bibitawang salita. Dahil magiging madaldal ka nga-yon. Madali kang kainisan ngayon ng makikinig dahil iiral ang pagkamayabang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 27, 30 at avocado green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Lalong magiging masaya ang iyong araw sa balita o regalong matatanggap. Malamang may dadalaw na kaibigan o kamag-anak. Masaya ang araw at walang problema sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 22, 29, 32, 42 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ngayon ang panahon para baguhin ang mga pagkaka-maling nagawa. Hindi lamang sarili ang mabibigyan ng kaligayahan kundi pati ang nasaktan kung hihingi ng kapatawaran. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 21, 45 at indigo.

ENERO 21
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with