Enero 20, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa iyong partner. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili na haharap sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralan nang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad at magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Kailanman ang nagmamadali sa pagpapasiya ay nalalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa kinabukasan. Matatapos ang gawain na sinimulan na walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 13, 41 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung nasa kalooban ang tapat at walang pagku-kunwari, nasa tama ang gawain. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, ka-kapusan, relasyon o malamang sa trabaho pero malalampasan kundi hindi panghihinaan ng loob. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 24 at yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula ng pagba-budget at mag-impok para madukot kung may ka-kailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ang  2, 8, 14, 20 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba at sa mga nakatulong sa’yo noon. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Nang dahil sa suliraning taglay, hindi tama ang pagwawalang-bahala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Maaaring maitanggi ang pagtulong sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang ng pera dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang  3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyan ng halaga. Kailangan ang pag-iingat at pagtitipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Aabalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliraning kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

KUTOB ENERO 20 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with