Enero 19, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May dahilan na maging malungkutin, ang dapat hanapin ay tamang paraan para sumigla. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na ito ay may kapalit na doble kung ipapanalangin na makatulong sa nakakuha o nakadampot. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 26, 34 at tangerine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Sa kagipitan, malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May hindi inaasahang pangyayari na dapat pasalamatan. Dahil magiging daan ito para magbukas ang tamang landas sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 27, 41 at mint green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat at hindi magkakamali. Ang desisyon ay gawin. Kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ang  1, 14, 23, 40 at yellow.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang pagkapresko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang inaakalang maling nagawa, kung sisimulang baguhin ay lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mabubuong hinala ang minamahal o boss. Kung may itinatago, tiyakin na hindi matutuklasan dahil pagsisimulan ng hindi pagka-unawaan o gulo. Kung hindi mag-iingat, ang itinatago ay malalantad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 23, 28 at beige.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalos-dalos dahil kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung may alitan sa nakaraan, tamang panahon para ito ay ayusin. Dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay napakagaan na magagampanan. Kung positibo ang isip, positibo ang resulta ng ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ngayon sundin ang dikta ng isip at damdamin, at tiyak tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad dahil malaki ang pakinabang na naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag mag-alinlangan, ipakita ang kanilang inaasahan dahil makadaragdag ito ng respeto sa sarili. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maayos at walang suliranin sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 26, 41 at red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag mawalan ng pag-asa sa mga pagpa-follow up dahil kung may tiyaga, may mapapala. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 25, 39, 42 at dollar green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon, lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos, madali kang makakahagilap ng solusyon kung may suliran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung ano ang ginawa ay siya ring gagawin sa’yo. Huwag magtaka kung makasagupa ng masungit. Huwag magtaka kung matsitsismis, panahon ng pagbabago sa masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 34, 37 at baby pink.

ENERO 19 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with