Enero 17, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago. Alam ng sarili kung anong mga pagkakamaling nagawa. Kung sisimulan ngayon ang pagbabago at pagtutuwid ng maling landas, tiyak nasa unahan ang tagumpay sa gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 32 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa ng kasamaan, gagawin din sa iyo. Kung napabilang ka rito, panahon ng pagbabago para hindi malasin sa buhay. Sayang nasa tamang landas pa naman ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 44 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kapakanan ng sarili bago ang iba ang dapat unahin. Hindi maaaring makatulong kung kapos. Kung walang tiyaga at sipag, hikahos ang daranasin. Sikapin na magbago at makakatiyak na magiging masagana ang buhay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 26, 40 at beige.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung ang suliranin ay pera, huwag mabahala dahil alam ng mga minamahal kung gaano ka nagsisikap. Ang pagkakaisa ng pamilya ang magbubukod sa inyo. La-ging isaisip, habang may buhay, may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 29, 30 at avocado green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging maligaya ang araw at upang maging masagana ang mga darating pa, patawarin ang mga taong nagkasala at humingi ng tawad sa nagawan ng kasalanan. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 42 at lavender.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Kung magsisikap at magtitiyaga, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran sa hinaharap. Kung gustong magbago ang takbo ng buhay, baguhin ang baluktot na ugali. Huwag asahan na mapapasakamay ang karangyaan kung tamad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 28, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kahirapan ang dinaranas ng karamihan dahil sa krisis. Kung ikaw ay napabilang dito, huwag mawalan ng pag-asa. Maraming bagay ang magagawa para kumita kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 39, 41 at dollar green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Makikita ngayon ang pagkakamali sa buhay. Kung itutuwid at babaguhin, malaki ang pag-asa na landasin ang kaunlaran. Ipagpatuloy ang sipag, tiyaga at pasensya; at makita ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 17, 35 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Balikan ang alaala ng kahapon dahil ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa patutu-nguhan. Ang pagkakamali sa nakaraang ay aral na hindi dapat maulit pa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 27, 33 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Makakamit mo ang hina-hangad kung buo ang loob. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Ikaw ang gumagawa at sa gabay ng Panginoon. Walang gumagawa ng iyong kapalaran, kundi sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 30, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Daranasin ang hirap at hikahos kung makasa-rili. Kung babaguhin ang patakaran at magiging matulungin at maunawain, dadaloy ang swerte. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 16, 30 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maaari kang makisaya, subalit iwasan lamang ang malasing at ang argumento. Taimtim na panalangin ang kailangan para makaiwas sa hindi magandang pangyayari.Dobleng pag-iingat sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 30, 39, 41 at white.

ENERO 17
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with