Enero 16, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nagbunga na ang pinaghirapan. Magiging maganda ang takbo ng buhay kaysa nitong mga nagdaang buwan. Matutong mag-ipon para hindi na muling magipit. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 45 at canary yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Manatiling tapat sa minamahal. Kung may gustong sabihin, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita ay matututunan niyang tanggapin. Asahan na doble ang kasiyahang madarama niya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 21, 30 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak na kay-tagal nang nais kang makausap, pero lagi mong iniiwasan. Ngayon mo sila harapin. Anuman ang dahilan nang pag-iwas, mabuting kausapin ito. Walang mangyayari kung patuloy na magkikimkim ng sama ng loob sa taong nagpapakumbaba. Panahon nang pagpapatawad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magandang balita ang darating. Maaaring may kinalaman sa trabaho, kaibigan o kamag-anak. Anuman ito, isa lang ang tiyak, napakagandang hinaharap ang nakatakda para sa’yo kung patuloy na magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 23, 36 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Malaking pagbabago ang nakatandang mangyari sa buhay. Mapagtatantong kaya palang paunlarin ang sarili sa abot ng makakaya nang hindi nakakaperhuwisyo sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 5, 20, 33, 40 at royal blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Labanan ang katamaran dahil walang matatapos na gawain. Alisin ang sistemang madalas na ikatuwirang mahaba pa ang oras, dahil hindi mamamalayan ang pagtakbo nito at nasasayang lamang. Kung gustong umunlad, magsikap at magtiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at lilac.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kalimutan ang nangyari. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang bukas. Isipin na may bagay na talagang nangyayari nang taliwas sa inaasahan. Ang pagkakamali ay natural kung isasaalang-alang at magsisilbing aral para hindi na maulit pa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Malaki ang tiwala mo sa sariling ngayon. Lalo pang lalaki ang tiwala kapag nakita ang positibong resulta nang ginagawa. Tiyak na mapapagod nang husto subalit hindi ito iindahin dahil sa tuwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 41 at maroon.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpapalito sa iyo. Piliting matutunan ang pagbabagong ito para matapos ang kalituhan. Huwag makisali sa problema ng iba, dahil ikaw ang maaapektuhan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 21, 28, 35 at beige.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Mapagtatanto na parang walang patutunguhan ang buhay subalit hindi dapat mag-isip ng negatibo dahil magiging negatibo rin ang resulta. Mabuting maglaan ng oras para makapag-isa at suriin ang sarili kung ano ang nangyayari. Alamin kung ano ang kulang o ano ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 24, 39 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Tiyakin na ang mga binibili ay ‘yung kailangan lamang. Hindi ngayon ang tamang panahon para mag-aksaya ng pera dahil may paghahandaan sa darating na panahon. Iwasan ang pagbili ng mga bagay na walang kabuluhan o hindi gaanong kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Paglaanan ng atensyon at panahon ang sarili. Hindi mabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kailangan, paminsan-minsan ay lumalabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Naaayon ang paglilibang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 20, 34 at green.

KUTOB ENERO 16 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with