Enero 15, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo hanapan ng magandang paraan para makamit ang hinahangad. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Dahil sa isang malapit na kaibigan, makakakilala ng lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may hihingi ng iyong payo tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap ng pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutu-nguhan. Maraming daan ang landas ng tagumpay, subalit ang nag-iisang daan na sadyang inilaan sa’yo ay siya pang kinakatakutan mong puntahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag masyadong magpokus sa isang  bagay, dahil mababalewala ang iba. Iwasan ang pagmamadali dahil lalong magkakamali. Huwag hinta-ying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong para sa ikatutupad ng pangarap mo. Lahat ng gawain ngayon ay  nakatuon para sa kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang bulkang sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw dahil magugulat ka kung paano ito makakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isipin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Mahalaga ang pagpaplano at isipin ang gawain nang hindi masayang ang oportunidad. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportu-nidad na darating. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Nagsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagum-pay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

2019 HOROSCOPE ENERO 15
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with