^

Kutob

Nobyembre 17, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Madaling lapitan at kung tiyak na maganda ang pakay ay mapagbibigyan. Masayahin at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Maging matulungin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at white o cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang mga hinanakit, personal man o sa trabaho sa nakaraan ay mapapawi ngayon. Ang suliranin taglay ay may kalutasan. Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Kung may binabalak, dapat simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Malamang may mag-aalok ng trabaho, subalit dapat pag-isipang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng mahalagang pagdesisyon, kaya pag-aralan ng mabuti ang lahat at ikunsulta sa higit nakakaalam bago magpasiya. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa oras ng  kagipitan. Naaayon ang panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa gawa. Ang pagmamahal ay hindi nakikita sa salita, subalit mapapatunayan sa gawa. Ngayon ang panahon para magbigay ng surprise sa iyong minamahal. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Sa mga desisyon, gamitin ang praktikal na pamamaraan nang makita ang tagumpay. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang kabuhayan. Walang suliranin tungkol sa pamilya o sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Isang kaibigan ang uuwi sa kanilang probinsiya at gusto kang isama. Kung ito ay mangyayari, dapat tanggihan para hindi mapahamak. Ano man ang gawain ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi maiiwasan ang argument, subalit maiiwasan mapaaway kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumentong nagsisimula sa simpleng hindi pagkakaunawaan. Kung may hindi pagkakaunawaan, sikapin na hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali, kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Masarap kang kasama sa araw na ito dahil kahit saan, maaari kang yayain. Subalit kailangan mag-ingat lagi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at pink quartz.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mag-ingat sa ginagawa. Tiyaking hindi labag sa kagandang asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba ang iyong kilos. Siguraduhing nasa isip at hindi dikta ng iba pagtupad sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Isang magandang balita ang matatanggap na halos ipamalita sa lahat ng maaaring mapagsabihan. Mag-ingat sa taon sinasabihan dahil baka ang balita na sana’y maganda ay magiging pangit dahil sa paraan ng pagtanggap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Gulung-gulo ka sa kaiisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan. Unti-unting nauubos ang pasensiya at gusto mo nang sumuko. Kung ito ang iyong dinaranas ngayon, ano man ang maging pasiya at sa tingin ay walang mangyari sa relasyon, walang masama kung putulin ito hangga’t maaga pa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Isang proyekto ang hahamon sa iyong talino. Kailangan paganahin nang husto ang imahinasyon. Project study ang kailangan upang makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at gray.

vuukle comment

NOBYEMBRE 17

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with