^

Kutob

Nobyembre 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sa dami ng mga activities daranasin ang pagod, pero ang kapalit ay kaligayahan dahil sa pag-ibig. Pag-ibig ang dahilan kung bakit active ang katawan, subalit bigyang prayoridad ang kalusugan. Paglaanan ng panahon ang tamang pagpapahinga dahil magiging mahina ang pulmon at madaling kapitan ng sipon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 39, 42 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Sa hangad na umunlad, hindi tama na sirain ang kapwa para umangat. Walang makakaligtas sa prinsipyo ng karma. Hindi pa huli ang magbago, simulan ngayon at tiyak lalandasin ang tagumpay. Sa sariling sikap at matamis ang tagumpay na maaangkin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 34 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Matatagpuan ang tamang solusyon sa problema tungkol sa hanapbuhay. Kung tutukan din ang suliranin sa tahanan, tiyak may solusyong matatagpuan. Huwag ipagwalang-bahala ang problema, kung hindi aaksiyon, tiyak lalala. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 34, 39 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) May oras sa trabaho at paglilibang, gayundin sa pamilya. Sa pagkakataong ito, bigyan ng sapat na panahon ang mga mahal sa buhay. Kailangan nila ang iyong kalinga at payo. Nasa tamang daan ang progreso sa buhay, sikaping hindi lumihis ang landas. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 23, 42 at neon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magpapabagu-bago ang timpla ng iyong ugali ngayon. Magpasalamat kung hindi magiging lamang ang pag-init ng ulo, dahil tiyak maraming masasaktan sa mga makakaharap. Mabuting magtimpi dahil baka makatagpo ng katapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 18, 22 at sky blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya, pero ang kapwa Aries ang magbibigay ng sama ng loobn. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Capricorn dahil kapag may kaguluhan, hahantong sa hindi magandang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 22, 24, 31, 43 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang suwerte ay minsan lamang kakatok, kaya huwag paalpasin. Maghanda kung anuman ang darating. Kung inaakalang mabuti at ikakaunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataon na makakawala. Maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 14, 41 at blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Isasantabi muna ang love life dahil ang pokus mo ngayon ay ang pinansiyal na aspeto. Gagawin ang lahat ng paraan para makamit ang kailangan. Sa suliranin, iwasan ang iligal na gawain dahil kapahamakan ang sasapitin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 29, 38 at aqua blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong buhay, pero huwag mabahala dahil sa huli ay magwawagi kung magpapaliwanag ng mahinahon. Iwasan ang magalit at maging emosyunal. Magandang pagkakataon para ipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 36, 37 at light gray.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa para maiwasan ang makasakit ng kapwa o ang magkamali. Dahil sa kalituhan, makakabuting suriin at pag-aralan muna nang mabuti ang mga bagay na dapat gawin. Kung may mangungutang, dapat hindi pagbigyan dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 28, 40 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Basta sa katuwiran ngayon mo, dapat ipakita na may pang-gulpi de gulat kang itinatago. Dahil may iilan na sobrang pang-aabuso ang ginagawa sa’yo. Ang walang imik ay makakabuti, ngunit hindi nangangahulugan na wala kang damdaming nasasaktan. Panindigan kung anong ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 19, 22 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Walang perpektong relasyon—away, tampuhan, bati, nandiyan lahat. Ngayon dapat iwasan ang magkaroon ng alitan sa pagitan ninyo ng minamahal. Dahil kapag nagkataon, hahantong sa matagal na tampuhan o magkakahiwalay. Pairalin ang pagkamahinahon at pasensiya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 41 at white.

vuukle comment

NOBYEMBRE 14 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with