^

Kutob

Nobyembre 12, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22 )Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng opinyon o komento. Huwag kaagad magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayari sa paligid. Huwag gayahin ang iba sa maling gawain para mapanatili ang dignidad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isipin na ano man ang mangyari, mananatili kang matatag at hindi basta susuko. Ma-ging positibo para maiwasan ang kunsumisyon. Taglay mo ang kakayahan para sa isang proyekto, magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi masama ang magsaya, subalit huwag kalimutan na may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaising mamasyal at magsaya ngayon kasama ang ilang kaibigan kaysa magtrabaho. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Huwag nang lumayo ng tingin. Baka hindi lang napapansin, dahil hindi ito ang inaakalang lugar na inaasahan mong kakikitaan nun. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20 Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang unang ginagawa. Ihanda ang sarili sa problemang maaa-ring dumating sa pinansyal  o sa relasyon. Tiyakin na nasa maayos at mabibigyang pansin ang mahahalagang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 18, 23 at red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19 )Marami ang maghahanap at gustong sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan sa kakayahan mo. Mararamdaman ang kahalagahan ng pera o samahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mahihirapan kung sarilihin ang nalalaman. Kung mahihirapan sa pagdedesisyon,  makakabuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili sa hindi naman kaya. Bigyang halaga ang payo nang higit na nakakaalam. Kumunsulta sa psychic. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 39 at pink.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Napakalayo nang iniisip mo ngayon. Dapat magpokus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala namang mangyayari. Mahihirapan kang makapagdesisyon kung maraming iniisip. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.

Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Taglayin ang pag-iingat sa lahat nang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 43 at neo green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Sa ayaw o gusto, kaila-ngan nang magsimula ng bagong relationship. Ito ang aakit nang pagbabago sa buhay mo. Mag-ingat sa mga bagong kakilala, huwag basta magtiwala. Lucky number for the day ang 12, 22, 33. 40 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Sa ayaw o gusto, kaila- ngan nang magsimula ng bagong relationship. Ito ang aakit nang pagbabago sa buhay mo. Mag-ingat sa mga bagong kakilala, huwag basta magtiwala. Lucky number for the day ang 12, 22, 33. 40 at white.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23)Ang iyong mga social connection ang makakatulong sa pinagdaraanan. Nasa tabi lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapan itong matunton. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at jade green.

vuukle comment

HOROSCOPE NOBYEMBRE 12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with