^

Kutob

Nobyembre 11, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad ng hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan ang palaging pag-iinit ng ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 18, 36 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigan na nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 16, 31 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na maging mapagparaya at lawakan ang pang-unawa, Lucky numbers at color for the day ang 10, 14,33, 41 at strawberry red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panhaon sa proyektong pang-komunidad. Tandaan na mas mabiyaya ang nagbigay kaysa tumatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan, subalit ang magandang balita ay lumalandas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 40 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Umaayon ang panahon sa pakipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan dahil mapapahamak ka. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan para manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 34, 38 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, anumang hirap o bigat ng gawain ay magaang na maiiraos. Nakabuntot ang pagkakamali, kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 32 at avocado green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Bagong pag-ibig ang uusbong. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho, ngunit may kaunting gusot sa tahanan o  sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 23, 38 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hindi magiging abala, subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos dahil sa angking enerhiya. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Hindi maiiwasan na may magselos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 37 at jade green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinaukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang mga masuwerteng pagkakataon, kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 41 at royal blue.

vuukle comment

KUTOB NOBYEMBRE 11 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with