^

Kutob

Oktubre 15, 2018

Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawang kumbinsihin, kahit ang pinakamakulit o makitid ang isip. Matutuklasan ang gustong malaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 33, 38 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapikon, mainitin ang ulo at mada-ling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapa-kumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 35, 43 at canary yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala, tiyak magkakaroon ng rela-syon o magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kaanak o sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 32, 39 at apple green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay o sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 25, 38 at sky blue

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mahalaga ang magtiyaga. Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Lilipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 39 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung may balak na mag-apply ng trabaho, gawin sa umaga. Malamang magkakaroon ng bagong trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 33 at electric blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na paggastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang kaibigan o magulang sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 40, 42 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga kamaliang nagawa ay malamang maulit. May matatamong kaunlaran kung positibo ang nasa isip. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang kaunting suliranin sa pamilya ay hindi dapat dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 40 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Madaling pakitunguhan ang mga kaanak o mga kaibigan. Mapapatibay ang relasyon sa tahanan, gayundin sa mga kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 35, 39 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Nasa magandang pakiramdam ang katawan upang tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa minamahal ang makakadagdag sa kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Taglayin ang kahinahunan at pag-unawa dahil magi-ging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 39 at violet.

vuukle comment

HOROSCOPE OKTUBRE 15

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with