^

Kutob

Oktubrer 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung ang mga praktikal na bagay ang tataglayin, nasa tamang landas ka nang kaunlaran. Subalit kung karangyaan ang nasa isip at mapagbigay sa bawat hiling ng nasakupan, nasa kamaling daan ka nang pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 35, 43 at canary yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang romansa sa isang Sagittarius ang pinakamasaya. Ang tupang itim sa pamilya ay susunod na parang maamong kurdero. Ang selos ay siyang maghahari sa damdamin at kung hindi mapaglalabanan, may batantang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 38 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang gawain o trabaho ay tatakbong matiwasay at walang hadlang. Nakakatiyak ka ng tagumpay kung ngayon isasagawa ang magandang binabalak. Kung masama ang binabalak, supilin dahil masama ang mangyayari at pagsisihan mo ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 25, 38 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala, tiyak magkakarelasyon o magkakatuloyan. May babalang gusot na mangyari mula sa ka-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o hihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 32, 39 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) May seguridad ka sa iyong trabaho at walang dapat alalahanin, ngunit lubos na pag-iingat sa naiinggit ay kailangan. Malamang isang kaibigan o kasamahan ang magtatraydor tungkol sa trabaho o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 13, 34, 41, 43 electric blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung ngayon may makikilala kang isang Leo, siya ang magpapatingkad ng iyong pagkasosyal. Isang secret admirer ang magpapakilala o matutuklasan mo ngayon. Malamang kailangan mo ngayon ang tulong o suhestiyon ng iba tungkol sa negosyo, trabaho o personal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 39 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung gagawin ang dapat gampanan ngayon, may kaunlaran  nanaghihintay. Huwag mag-alinlangan dahil nasa panig ang tagumpay, kung kikilos kaagad. Iwasan ang magbakasakali dahil kapalpakan ang matamo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 30, 40, 41 at neon green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang binitiwang salita ay larawan ng pagkatao. Huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Huwag magyabang dahil sa kapalpakan ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 40, 42 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mapapaligiran ka ng mga kaibigang tsismosa at mapanira ng kapwa, kung bibigyan mo ng panahon na maging bagong kasamahan ka ng gurpong tsistmosa. Iwasan mo ngayon ang mga bagay na sa akalang hindi magandang maidulot sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 35, 39 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magpakahinahon at maunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang mangako dahil mahihirapan kang pagtutupad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 39 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kaunting suliranin sa pamilya ay hindi dapat dalhin hanggang sa pinapasukan o trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan, iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may alinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 40 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Wala sa iyo ang tinatawag na suwerte, kaya iwasan ang anumang uri ng sugal. Kung ano ang kikitain ngayon, ilaan sa sarili at pamilya. May mapapala kung daragdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga sa hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

vuukle comment

OKTUBRER 14

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with