^

Kutob

Oktubre 13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Makamit mo ang hinahangad kung buo ang iyong loob. Huwag asahan ang iba, kundi ang sarili. Ikaw ang gumagawa at sa gabay ng Panginoon. Walang ibang gumagawa ng iyong kapalaran, kundi ang iyong sarili. Kung hangad ang kaunlaran, plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 30, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Daranasin ang hirap at pagkahikahos kung makasarili. Pero kung babaguhin ang patakaran, na magiging matulungin at maunawain, dadaloy ang suwerte. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Kung may nagkasala, matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 16, 30 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maaari kang makisaya subalit iwasan lamang malasing at ang argumento. Taimtim na panalangin ang kailangan para makaiwas sa hindi magandang pangyari. Doblehin ang pag-iingat sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 30, 39, 41 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pag-babago at pagtuwid sa maling landas, tiyak nasa unahan ang tagumpay sa gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 32 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa ng kasamaan, ito rin ang matatamo. Kung napabilang ka rito, nasa landas pa naman ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 44 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kapakanan ng sarili bago ng iba ang dapat. Hindi ka maaaring makatulong kung kapos sa sarili. Kung walang tiyaga at sipag, pagkahikahos ang daranasin. Sikapin na magbago at nakakatiyak na magiging masagana ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 26, 40 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung ang suliranin ay pera dahil kapos, huwag mabahala dahil alam ng mga minamahal kung gaano ka nagsisikap. Ang pagkakaisa ng pamilya ay ikaliligaya. Magsikap dahil habang may buhay, may pag-asa. Ipagpatuloy sa pagsisikap, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 30 at avocado green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging maligaya ang araw at upang maging masaganan, patawarin ang mga taong nagkasala at humingi ng tawad sa nagawan ng kasalanan. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 42 at indigo.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung magsisikap at magtitiyaga, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran sa hinaharap. Kung gustong magbago ang takbo ng buhay, baguhin ang baluktot na ugali. Huwag asahan na mapasakamay ang karangyaan kung tamad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 28, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kahirapan ang dinaranas ng karamihan dahil sa krisis. Kung nabilang ka rito, huwag mawalan ng pag-asa. Maraming bagay ang magagawa para kumita, kung magsisikap. Kung magsisimula ng munting negosyo, tiyak uunlad. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 39, 41 at dollar green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Makikita ngayon ang pagkakamali sa buhay. Kung itinuwid at bagohin malaking pag-asa para landasin ang kaunlaran. Ipagpatuloy ang sipag, tiyaga at pasensiya para makita ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 17, 35 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Balikan ang alaala ng kahapon dahil kung hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa patutunguhan. Kapag may pagkakamali, mag-ingat na. Lucky numbers at color for the day 12, 14, 27, 33 at fuschia.

vuukle comment

KUTOB OKTUBRE 13 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with