^

Kutob

Oktubre 12, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hindi maiiwasan ang mapaiyak sa mangyayaring hindi  kanais-nais sa sarili. Hindi masamang umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 23, 39 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang mo. Huwag lamang aabuso ng sobra dahil hindi sa lahat ng panahon ay maunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumusuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 44 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang iyong pakiramdam ngayon ay walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo. Lucky number at color for the day ay 17, 20, 31, 40 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito, dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Unahin ang higit na mga mahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang depresyon, dahil wala kang magagawa. Kung kikilos may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 22, 37 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Piliting magpasensiya kahit pikon na pikon ka na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita ng hindi maganda at makakasakit ng damdamin kung hindi kokontrolin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sikapin na maibigay kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 15, 34 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting magpahinga kung nakakaramdam ng pagod kaysa magkasakit. Pahinga ang kailangan ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 23, 39 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hindi umaaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makakapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag magpabaya sa paghahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 25, 37 at tangerine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Wala kang dapat alaalahanin kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 28, 44 at black.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Malamang yayayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kapag nagkataon masaya ang magiging daan nang pagpasok sa isang seryosong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 35, 42 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maipapaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan siya, kundi nais mo lamang itama ang lahat. Sabihin ito nang maaayos at asahan na mauunawaan ka niya. Lucky numbers at color for the day ay mint green.

vuukle comment

HOROSCOPE OKTUBRE 12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with