^

Kutob

Setymebre 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag ka lamang lumihis sa iyong ginagawa, magiging maunlad ka sa taong ito. Kung may balak sa pagdaragdag ng kinikita, gawin basta’t huwag iwanan ang kasalukuyang ginagawa o tungkulin. May magandang oportunidad na darating, huwag pakawalan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 37, 42 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Simulang magbago at makikitang may kaunlaran na magaganap sa buhay. Kung bigo ka noon sa pag-ibig, ngayon makakatagpo mo ang iyong ideal girl/boy na siyang magbibigay sigla sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 29, 41 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mahaba man ang prosisyon, ang uwi ay simbahan din. Maligaya ka dahil uuwi ang napalayong minamahal. Sa sakripisyong tinamo, kaligayahan ang ganti. Ang sakripisyo at pag-asa ay siyang magbibigay buhay para makamit ang tagumpay at kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 24, 39 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Gawing batayan nang pagsisikap ang pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa. Ngunit huwag umasa sa iba, maliban sa sarili. Ikaw at walang iba ang gumagawa ng iyong kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 33, 44 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung hindi ka magtatagumpay sa buhay, hindi mo ginamit sa wastong paraan ang napakagandang pagkakataon na ipinagkaloob ng Maykapal. Baguhin mo ang lahat ng sistema sa buhay at malaki ang pag-asang umasenso ka. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 27, 39 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Wala kang ibang dapat gawin kundi balikan ang nakaraan at pag-aralan kung saan ka nagkamali. Huwag maghinanakit sa mga kamaliang nagawa dahil magsisisi ka man, hindi na maitutuwid. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 22, 39 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ituloy ang magandang gawain at gawi dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Mag-ingat sa mga taong naiinggit dahil may gawain na masisira ka at maaring lumihis sa iyong tagumpay. Huwag pansinin o patulan ang mga rumors. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 23, 35 at red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang mga pagkakamaling nagawa ay hindi dapat maulit dahil kung magagawa itong muli ito ay sinasadya. Mag-ingat sa mga hakbang sa darating na mga araw, dahil hindi pa lumalayo ang anino ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 29, 38 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mga pagbabago kang dapat gawin. Kung magagawa, lalandasin mo ang tamang daan ng kaunlaran. May dapat kang pakinggang mga suhestiyon o payo. Ang hindi mabuti ay iwaglit at ang mabuti ay sundin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 26, 37 at navy blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Malaki ang pagkakataon na may pagbabagong magaganap sa buhay patungo sa kaunlaran, kung paiigtingin ang pagsikap at pagtiyaga. Makakamit ang minimithi kung bukal at taos puso ang pag-ganap sa tungkulin sa darating na mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 29, 30 at cream.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung may kaya at hindi mag-iingat sa tangang yaman, it’y parang kandila na may sindi at pinabayaan na unti-unting kinakain ang sariling katawan hanggang sa maubos. Kung may negosyo, gawin ang masusing hakbang sa pag-papaunlad. Lucky numbers at color for the day ay 12, 27, 36, 44 at green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Mahalaga ang kapakanan at kaligayahan ng pamilya, kaya sikapin na mapanatili ang harmoniya at magiging maligaya ang lahat. Kung nagkaroon ng ugnayan sa iba, panahon na para putulin at iwasan dahil sa madaling panahon ay matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 27, 36, 41 at peach.

vuukle comment

HOROSCOPE SETYMEBRE 22

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with