^

Kutob

Setyembre 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may usok, may apoy, ‘yun ang kasabihan. Subalit hindi lahat ng usok ay nagmumula sa apoy. Kung may balitang masasagap na ikapuputo ng butsi, alamin muna ang puno’t dulo bago magdesisyon dahil baka magkamali ka. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 29, 36 at peach.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang panaginip ay bunga ng pagtulog subalit sa pagkakataong ito, kung nanaginip ay magkakatotoo. Bagaman may dulot na sakit sa ulo ang kasambahay o kasamahan sa trabaho, may partisipasyon naman siya sa mga gawain na ikakatuwa mo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 39, 41 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag magpaapekto sa anumang mga pangyayari sa kapaligiran. Ang mahalaga ay matugunan ang kailangan ng sariling kapakanan. Ang problema sa tahanan ay huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Matatagpuan mo ang katahimikan kung magre-relax at mapag-iisa. Magiging kasigla-sigla ang love life. Kung may lihim na tinatago sa minamhal, ngayon ang panahon para ito ay ipagtapat dahil madali kang mauunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 27, 39 at lilac.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Gawing kaaya-aya at walang kasing sigla ang katungkulan na nakaatang sa balikat at huwag balewalain dahil dito nakasalalay ang araw-araw na pangangailangan. Kung naging matamlay dahil sa liit ng sahod, gawan ng paraan para makahanap ng ibang mapagkakakitaan ng hindi masira ang record. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 27, 36 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung hindi maalis ang duda sa minamahal, magiging negatibo at malabo ang inyong relasyon. Ang tiwala ay matibay na pundasyon ng pag-ibig. Dapat mabahala ka dahil, nagkamali ka sa iyong pinagdududahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Manalangin nang hindi matuloy ang maitim na balak ng isang malapit na kaibigan, kamag-anak o kasamahan laban sa iyo. Malamang may magtatraydor. Ang inaasahan ay hindi mangyayari. Sariling sikap ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 33, 39 at purple.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hindi maiiwasan ang makipagtalo kung nakikipagpalitan ng kuro-kuro. Ngunit maiiwasan ang makipag-away kung magiging mahinahon. Magiging mainit ang iyong ulo at madaling magalit at kung walang mahigpit na disiplina sa sarili, away ang kahahantungan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 28, 35 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung sisimulan ang matagal nang balak, may kaunlaran na naghihintay. Kung hindi maumpisahan ang mga plano, bibilang ng taon ang kaunlaran na hinahangad. Huwag aksayahin ang panahon sa bagay na gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 33, 43 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang mga biyayang tinatamasa ay bunga ng pagsisikap at ipinagkaloob ng Maykapal. Kaya dapat lamang ang tuwinang pagpapasalamat sa kanya at sa mga taong nakatulong sa’yo. Nasa tamang landas ang tagumpay, huwag hayaang lumihis. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 22, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mabait, maunawain at matulungin ka. Mag-ingat dahil ang nakapaligid na alam ang iyong ugali ay pagsasamantalahan ka. Kilatisin muna nang mabuti ang anumang bagay bago pumalaot. Walang masama kung palagi kang alerto at mapagmasid para maalagaan ang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 39, 43 at canary yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) May makakatagpo na hindi inaasahan, may kaugnayan siya sa iyong nakaraan. Malamang ang makatagpo ay dating kasintahan, kaaway o kaibigan na matagal nang panahon na hindi nakikita. Ang alaala nang nakalipas ay sadyang manunumbalik sa isip. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 31, 32 at pink.

vuukle comment

KUTOB SETYEMBRE 21 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with