^

Kutob

Setyembre 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging mahinahon at magpasensya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idaraan sa dahas o init ng ulo. Iwasan na makapagsalita nang ikakasakit ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 22, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag magdamdam kung hindi matupad ang pangako o ipinangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 31, 41 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na  laging nakasuporta ang mahal, kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyari kung idaraan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 16, 26, 38, 42 at fuchsia.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng katrabaho o isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 35, 41 at magenta.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasalamat ng minamahal o kaibigan dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang probleman pero walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 31, 38 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa walang imikan. Kailangan, paminsan-minsan ikaw ang magpakumbaba. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 36, 42 at ocean blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan, dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay, maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 18, 21, 25, 36 at beige.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung inaakalang hindi tama ang pagsagot sa manliligaw ng "oo," makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dahil sundin, dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 34, 39 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maganda ang personalidad ngayon, na aakit sa mga kaibigan lalo na sa tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban para maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na B o C ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 37, 39 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang gawain pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental, dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 21, 36, 33 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan, dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 26, 41 at pink.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Nasa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal, kung ayaw masira ang pagsasama o maging sawi sa pag-ibig. Lucky numbers at  color for the day ay 11, 19, 29, 40 at lavender.

vuukle comment

SETYEMBRE 19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with