^

Kutob

Agosto 18, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magiging maaliwalas ang araw. Maluwag ang panahon sa pamamasyal o paglalakad. Kaya lang, huwag magma-labis sa paggastos at huwag bilhin ang hindi naman dapat bilhin. Iwasan ang magyabang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Mananaig sa isipan na tila walang patutunguhan ang buhay. Pero hindi dapat mag-isip ng negatibo. Habang may buhay ay may pag-asa. Baguhin ang inaakalang dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at violet.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ilang pagbago sa trabaho ang makapagpapalito sa isipan. Kung pag-aaralan ang mga bagay na dapat malaman, walang mgiging dahilan na ito ay hindi matutunan. Ngayon mo dapat pag-aralan ang dapat malaman. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at biege.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Malaki ang tiwala mo sa sarili ngayon na makaya ang lahat, dahil angkin mo ang energy of prosperity. Positibo ang iyong pag-iisip kaya ang mahirap sa iba ay easy lamang sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung nagkaroon nang hindi magandang karanasan, dapat itong kalimutan at isipin bilang isang aral na hindi na mauulit. Mabilis ang kaunlaran kung palaging magaan ang kalooban at palaging positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue sapphire.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang katamaran ay siyang maghahari sa iyo ngayon, na dapat paglabanan. Ang obligasyon sa trabaho o tahanan ay dapat gampanan nang taos pusong pagkilos. Huwag magkunwari  dahil dinadaya mo lamang ang iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at light green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Good news dahil nakatakda ang malaking pagbabago na mangyayari sa buhay, kung patuloy ang kasalukuyang pagsisikap. Makakasagupa ng kaunting balakid, subalit kaya itong paglabanan kung laging positibo ang pananaw. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magandang balita ang mapapasaiyo. Ito ay maaaring may kinalaman sa bagong trabaho, bagong impormasyon o tungkol sa negosyo. Anuman ito, isa lang ang tiyak, isang magandang hinaharap ang nakatakda para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 36 at peach.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak ang kay tagal nang nagnanais na makausap ka, subalit lagi mong iniiwasan. Anuman ang dahilan nang pag-iwas, makakabuting kalimutan na. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag mag-alala, dahil ang mahal ay mananatiling tapat. Kung may gustong sabihin, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita, matututunan niya itong tanggapin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at baby pink.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Nagbubunga na ang lahat nang pinaghirapan, hintayin na lamang ang pagpitas dito. Magiging maganda ang takbo ng buhay ngayon, kaysa nitong mga nagdaang buwan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at cannary yellow.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Mapaglalaanan mo ng panahon ang iyong sarili, na siya namang talagang kailangan. Paminsan-minsan ay lumabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green.

vuukle comment

AGOSTO 18

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with