^

Kutob

Agosto 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang sikretong itinatago na hindi napapanahong malaman ng iba ay matutuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukin ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating at maaalintana ng ilang araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 11, 36 at garnet red.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Umaayon ang panahon sa pagmumunimuni upang makatuklas ng magandang paraan para sa ikakaunlad ng sarili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May dadaluhang simpleng okasyon sa kapitbahay o kaibigan. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 26, 37 at white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang magbigay ng pangako sa anumang bagay. Maganda ang panahon para mamasukan sapagkat mailalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasan ang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa manloloko o mandarambong. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Kahinahunan sa pagpapasya ang dapat panatilihin bago magdesisyon. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging saksi ka sa isang aktibidad na hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan ngayon. Gumawa ng tahimik at pairalin ang pagtitiyaga. Makskatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang sosyal. May biyayang naghihintay mula sa trabaho o negosyo. Maging alerto. Iwasang makisangkot sa argumento. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 22, 44 at silver gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nasa signos ang aksidente, kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada o lumakad na hindi gaanong kailangan. Iwasan ang paglalakbay nang malayo lalo na kung may tatawiring dagat.  Hangga’t maaari sa tahanan na lamang.  Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 23, 40 at cream.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging masaya ang romansa. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit at baka humanhantong sa hindi  pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain, dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 12, 16 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang Taurus ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang anumang desisyon upang mapag-aralang mabuti. Huwag magpaluwal ng anumang bagay mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at indigo.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Mabuti ang kumilos agad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag ay mapapalitan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pamimika ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak hindi magkakamali. May pagkakataong mapaunlad ang samahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 30, 34 at lavender.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maraming dapat gawin, subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong mabuti kung makukuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balitang ikaliligaya o ikalulungkot. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 36, 41 at aquamarine.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) May pagkakataon na mapabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang magiging karanasan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Angkin mo ang lakas ng iyong E.S.P. kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan nang papakibagay sa mga nakatataas sa tungkulin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 29, 32 at honey yellow.

vuukle comment

AGOSTO 14

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with