Agosto 10, 2018
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Pag-ibig ang dahilan nang kasiglahang taglay. Masayahin ka ngayon at madaling malapitan. Madaldal at palatawa. Charming look at kabigha-bighaning kausap. Subalit dapat humanda dahil malamang isang Virgo ang sisira ng iyong magandang mood sa dapit-hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 40 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay, ngunit maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Dahil lapitin ka ng mga taong user. Mag-ingat sa mandarambong at manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 32, 35 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang matalik na kaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Kung ikaw ay above 21, huwag sayangin ang panahon na walang boyfriend o girlfriend. Kung ikaw ay sinagot ngayon nang nililigawan, tiyak magkakatuluyan. Kung maliligawan naman ang isang babaeng Libra, huwag pag-aksayahan ng panahon dahil hindi magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 28, 38 at flaming red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may suliranin, magpahinga at kalamayin ang sarili para makapag-isip ng magandang solusyon. Kung gagawin ang paraang ito, good news dahil ilang oras na lamang, may tamang solusyon sa problema na susulpot sa isipan. Subalit dapat isagawa kaagad ang solusyon. Lucy numbers at color for the day ay 16, 21, 33, 36 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Good news dahil malamang may surpresa naghihintay sa tahanan, pinapasukan, kaibigan o mula sa kamag-anak. Ngayon mo maipapamalas ang nakatago mong talino, bukod sa iyong trabaho. May pagkakataon na madagdagan ang iyong kikitain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 26, 35 at strawberry red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Posibleng may pangyayaring magaganap na hindi mo inaasahan. Kaya lang kung ito ay pangit o maganda, panahon lamang ang makapagsasabi. Upang makaiwas sa hindi maganda, huwag magsuot ng alahas o magdala ng malaking halaga ng pera kung maglalakad. Iwasan ang maglakad sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maaari kang makatanggap ng balita mula sa tawag na matagal nang hinihintay. Posible rin na may package kang matatanggap o kaya flowers mula sa suitor. Magiging malakas ang iyong ESP kaya kung anuman ang iniisip, dapat isagawa kaagad. Lucky numbers at color for the day ay  15, 23, 38,40 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag ituloy kung may balak na maglakbay lalo na kung tatawid ng dagat. Anumang binabalak, ipagpaliban muna. In other words hangga’t maaari, stay at home muna ngayon. Good news dahil magiging masaya ka sa piling ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ivory white.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Huwag sirain ang magandang araw mo ngayon dahil sa biro, kantiyaw o tsismis. Pagtawanan mo kung anuman ang iyong maririnig na laban sa iyo. Kung ang mga ito ay magagawa mo, magiging maaliwalas ang iyong buong araw at magiging maligaya ang iyong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 38, 41at aquamarine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung sa akala ay may mga bagay na kailangang baguhin sa tahanan, ito ang tamang panahon para simulan. Kung may planong maglakbay, huwag mag-alinlangan at sugod lang. Dahil may biyayang naghihintay sa trabaho o sa pang-personal. Bad news nga lamang dahil magiging matamlay sa pag-ibig. Lucy numbers at color for the day ay  4, 8, 11, 39 at tangerine.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Kung makikinig sa opinyon ng magulang o nakakatanda tungkol sa binabalak, walang magiging dahilan para magkaroon ng sagabal at tiyak magtatagumpay. Ika nga, two heads is better than one. Acceptance kung inaakalang may pagkakamaling nagawa, dahil dito lalo kang rerespituhin ng iyong kapwa. Lucky numbers at color for the day ay  6, 18, 39,40 at indigo.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa loob ng tahanan, ito ang dapat tandaan. Panahon ngayon nang pakikipagpulong ng mga anak. Pakinggan ang opinyon at suhestiyon nila at resulbahin kung may suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 34, 37 at white.

2018 KUTOB AGOSTO 10
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with