^

Dr. Love

Nang dahil sa lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Susan, 23 anyos. May kasintahan po ako at limang buwan na kami ngayong darating na Agosto.

Ang boyfriend ko ay dating kasintahan ng kapatid kong mas matanda sa akin ng dalawang taon. At ito nga ang dahilan kung bakit nagkalayo ang loob naming magkapatid at matagal nang hindi kami nag-uusap.

Marahil, feeling niya na inagaw ko sa kanya ang kanyang boyfriend. Pero nang manligaw sa akin ang kasintahan ko, tatlong buwan na silang break ng kapatid ko. Mahal ng boyfriend ko ang kapatid ko pero ang kapatid ko mismo ang nakipagsira sa kanya.

Ayaw ko ang gap na namamagitan sa ­aming magkapatid. Ano po ang gagawin ko? Kung kailangang makipag-break ako sa boyfriend ko ay gagawin ko maayos lang ang relasyon namin.

Susan

 

Dear Susan,

Kung ayaw ng ate mo na mag-initiate ng pakikipag-usap, ikaw ang kumausap sa kanya at baka sakaling magkaayos kayo.

Ang pakikipag-break sa iyong boyfriend na dati niyang kasintahan ay dapat maging last resort dahil totoong hindi ka naman nang-agaw.

Ipaliwanag mo sa ate mo ang situwasyon at kung ayaw pa niyang makipag-areglo, sabihin mo ang last option na makikipagkalas ka sa kasintahan mo basta’t magkasundo lang kayo.

Idinadalangin ko na sana ay maging maunawain siya at payagan niya ang inyong relasyon nang walang samaan ng loob.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with