^

Kutob

Hulyo 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung may tipanan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay may pagkaalinta sa pagdating. Ang anumang transaksyong gagawin, dapat pag-aralan nang mabuti bago pumalaot. Hindi inaayunan ang paglagda sa anumang mahalagang papeles o kontrata. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at dollar green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan din ang babalik. Pero kung kasamaan ang ginawa, kasamaan ang daranasin. Napapanahon para maibsan ang kasamaang nagawa sa pamamagitan nang pagsisisi at buong pusong pananalangin. Ang pagsisimba o pagsamba ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink.  

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Palampasin ang maririnig na salitang makakapikon o makakaasar mula sa mga kasamahan, dahil inggit ang nag-uudyok. Huwag itong  patulan para makaiwas sa gulo o hindi makasakit nang damdamin ng kapwa. Tawanan ang suliranin at tiyak babawi nang dobleng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at white.  

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Sasalubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang umaga. Pero matatakpan nang makapal at madilim na ulap sa bandang hapon dahil may dahilan na ikakagalit. Iwasan ang mga kaibigang tsismosa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 19, 22 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maganda at kapangitan ang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi kung makapagpapaliwanag nang mahinahon. Iwasan ang magalit. Magandang pagkakataon para maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggagawa para maiwasan ang makasakit ng kapwa at ang magkamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat lamang na suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na nangangailangan ng iyong signature. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at cream white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad sa pagamutan para mailigtas. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. May pagkakataon na magkasasalo sa hapag-kainan ang buong pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Isang Taurus ang magbibigay ng suwerte o ligaya, pero isang Leo ang maghahatid ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kakilalang Gemini dahil kapag may gulong magaganap, ito ay hahantong sa matagalang pagdurusa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan, hawakan ito at huwag paalpasin. Maging handa kung anuman ang darating at kung inaakalang ikakabuti o ikakaunlad, sunggaban at huwag bigyan nang pagkakataong makawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41, at blue.   

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging matamlay at malungkutin. Kung isang Sagittarius naman ang makakasalamuha, hindi magkakaunawaan at maaaring magkatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22, at sky blue. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Nang dahil sa kapabayaan ang matagal nang suliranin ng pamilya ay mauungkat. Maaring pagmulan ito nang sumbatan. Posibleng manumbalik ang harmoniya kung mahinahon na maipapaliwanag ang bawat panig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32, at neon green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak na maisasakatuparan. Iwasan ang paglalakbay, ang maglasing, ang magsugal, pakipag-date o ang mga barkada. Mas mainam na manatili sa loob ng bahay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 40 at green.

vuukle comment

HOROSCOPE HULYO 21

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with