^

Kutob

Hulyo 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema, dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 38, 42 at fuchsia.   

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 33, 41 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idaraan sa dahas o init ng ulo. Iwasan ang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sa magandang pag-uusap maresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal kasalanan mo. Hanapin ang paraan para mabalik ang dating tamis at init nang pagmamahal kung nasa kalooban na ayaw mauwi sa pagka-broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 29, 40 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Marami ang nakapuna sa pagbago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan, dahil bawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental, dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 33 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan, lalo na sa humahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban, may lihim na tagahanga ang malamang magtapat ng saloobin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 37, 39 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangiang maalalahanin, mapagbigay at maunawain ang magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kailangang paminsan-minsan, ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang-imik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroong muli ng ibang suliranin, ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili na walang dahilan para tumanggi, tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at magenta.

vuukle comment

HULYO 19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with