^

Kutob

Hulyo13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Iiwan mo ang inaakalang hindi makabuluhang gawain. Magiging kumplikado ang situwasyon sa kalakalan kaya ibayong pag-aaral ang gawin bago magdesisyon. Matututo sa mga nakaraang pagkakamali na hindi na dapat maulit muli. Bigyang pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 1, 18, 21, 34 at light orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magiging mainit ang ulo at masalimuot sa problemang taglay. Mababawasan ang suliranin kung kakalmahin ang sariling emosyon. Magiging masigasig kang baguhin ang mga mali mong ugali sa oras na matauhan. Ayusin ang sigalot ng mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 41 at silver.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Sinasabi ng iyong bituin na dapat sumangguni muna sa mga taong nakakaalam o dalubhasa bago gumawa ng desisyon. Makakalikom ng positibong suhestiyon o impormasyon. Mararamdaman mo ang matinding panghihinayang sa inyong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 35, 45, at tangerine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May hihingi ng iyong payo sa araw na ito. Huwag siyang kunsintihin sa ideya nang pagtalikod sa kanyang responsibilidad o pagtakas sa pananagutan. Manghihinayang ka sa isang bagay na hindi nagawang pahalagahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 21, 36 at ultra violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May ilang tagahanga ang lalapit sa iyo para igiit ang kanilang hangarin. Mag-ingat sa maganda at mabulaklak nilang pangako dahil hindi ito matutupad. Makakatanggap ng isang malungkot o masayang balita mula sa malayong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 37, 43 at pale blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mahalagang gampanan ang nabinbing gawain. Walang ibubungang maganda ang ugaling mainipin kaya dapat iwasan. Kapalit ng magaang na trabaho ay lalong kakapusan sa pera. Maging masinop at maagap sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 41 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment kaysa magpabandying-bandying at walang gagawin. Ang iyong talento ay malaking puhunan para sa ikauunlad kaya panahon na para magamit ito sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang paghanap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak na kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magpakatotoo ka at kung anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo, kung walang nakitang mali. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga para sa iyong ikabubuti. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Kasasabikan mong makita ang mga taong naging katuwang mo sa iyong tagumpay. May gagawin kang pag-alala sa naging kabutihan nila sa iyo. Pagtuunan ang mga gawain sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 36, 43 at blue violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang pinakahihintay ay darating sa araw na ito. Magugulat ka sa dalang balita tungkol sa pamilya. Ikaw ang higit na makikinabang sa balitang matatanggap. Isang masaya at biglaang salu-salo ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 20, 38 at yellow gold.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) May obligasyon kang makakalimutang gampanan sa iyong kamag-anak, pamilya o sarili. Maagap na paliwanag ang kailangan para hindi ito humantong sa malubhang pangyayari. Magiging maromansa ang araw na ito para sa iyo. Lucky  numbers at color for the day ay 7, 17, 27, 37 at light green.

vuukle comment

KUTOB HULYO13 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with