^

Kutob

Hulyo 11, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Iwasan ang mga usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagiging agresibo ng kaibigan o kasamahan. Panatilihin ang pagtitiwala at respeto sa kasambahay, kasamahan at kaibigan. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mahalaga ang magkaroon ng social acquaintance. Ngayon mapapatunayan sa sarili na ang sinayang na panahon ay hindi na maibabalik. Ipagpatuloy ang sinimulang pamumuhunan. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil ito ang magbibigay ng malas sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at sea green.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Magiging mailap sa iyo ang kapayapaan ng loob. Patawarin ang taong matagal nang kinaiinisan para gumaan ang kalooban. Ipagpatuloy ang sinimulan. Maging masinop sa iyong mga gawain lalo na sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 27, 33 at dark red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May kalutasan ang matinding kagipitan kung pananatilihin ang pagkamahinahon para makapag-isip ng solusyon. Lumayo sa mga taong mapupusok ang kalooban dahil maaaring ipahamak ka nila. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ikundisyon ang isip at i-relax ang katawan dahil kakailanganin ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Patawarin ang taong nagkasala at humingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at blue gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Tuklasin ang sariling potensyal at kung paano ito mapapakinabangan. Ipagpatuloy ang naudlot na mithiin sa buhay. Ilang kaibigan ang tutulong na maituwid ang iyong maling pananaw hinggil sa usaping pampuso. Makakabuting dinggin at sundin ang payo. Lucky numbers ay 7, 16, 30, 36 at rose pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang maselang akusasyon na ipinupukol sa iyo. May darating na bagay buhat sa ibang bansa, subalit hindi sapat para mapawi ang nararamdamang pangungulila sa kanila. Manalangin ng taus-puso para maibsan ang bigat sa dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Isulong mo ngayon ang planong pangkabuhayan na sinimulan noong nakalipas na taon. Matutugunan ang hamon ng oportunidad. Kulang ka sa kinakailangang nutrients sa katawan, kaya panahon na para pagsikapan na matugunan ang hinihingi ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at pale blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang bagong marketing strategy na maiisip ay may ibubungang tagumpay, kung isasakatuparan ngayon. Sasang-ayon sa panukala mo ang mga nakakataas o boss. Mabibigyan ng kahalagahan ang iyong pagsisikap. Magiging maayos ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 27, 32 at tan.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Ang suwerte ay parang nakadikit sa iyo ngayon, dahil sa likas na kababaang loob na taglay sa mga kapus-palad. Samantalahin ang magandang pasok ng kapalaran. Makakabuting mag-isip na magpatayo ng negosyo dahil nasa panig mo ang kaunlaran. Kilalaning mabuti ang kasosyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at metallic gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakaroon ng kaunlaran ang kalagayan sa pananalapi. Iwasan ang mga walang kabuluhang mga bagay na uukopa ng iyong oras. Pagtuunan ng pansin ang paghanapbuhay. Pag-uusapan ninyo ng minamahal ang munting tampuhan o hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 23, 32, 45 at golden brown.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Maging praktikal simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay. Siguraduhin na sa mabuting bagay mapupunta ang pakakawalang pera. Mapapatunayan mo na ang iyong pagtitiyaga sa mga bagay na mabusisi ay mapagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 24, 37 at olive green.

vuukle comment

HOROSCOPE HULYO 11

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with