^

Kutob

Hulyo 10, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Dahil sa pagkabagot sa gawain, isang libangan ang malamang na pagtutuunan ng iyong atensiyon. Ang desire nang paglilibang ay magiging pangunahin sa isipan sa bandang tanghali. May pagkakataong aliwin ang sarili. Magiging matumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 20, 35, at blue violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ito ang tamang panahon para maipakita ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging katuwang noong nagsisimula ka pa lamang. Dalawin o kamustahin ang isang kamag- anak o kaibigan na may sakit. Mag-ingat sa mga lugar na pupuntahan o dadaanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 25, 31 at light blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Planuhin ang mga gagawin upang sa gayon ay matamo kung anong inaasahang mangyari. Ang sunud-sunod na problemang dumarating ay mga pagsubok lang. Ikaw lamang ang maaaring pumili ng landas na patutunguhan at hindi dapat magpaimpluwensiya sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 30, 38 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maging handa sa karagdagang responsibilidad na maaaring ibigay ng boss o nakakataas sa tungkulin. Maaaring isuko mo ang iyong pride dahil sa kagipitan. Pagtibayin ang tiwala sa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 26, 34 at peach.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag ipagkatiwala ang iyong sikreto sa kahit na kanino sa araw na ito dahil maibubulgar ito nang hindi inaasahan. Maaaring ang iyong sikreto ay pag-umpisahan ng kaguluhan. Makakabawi sa malaking nagastos. Maglaan ng oras sa sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 31, 43 at apple green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Makipagkasundo sa isang matagal nang kagalit. Makakaranas ng katahimikan at kaluwagan ng kalooban. Tamang panahon para bigyang pansin ang kalusugan. Magpasuri sa espesyalista kung may kakaibang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 40 at yellow green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May suwerteng darating na hindi sukat akalain. Huwag mag-atubiling magbigay ng bahagi sa nangangailangan sa biyayang natatanggap para lalong maging masagana ang grasyang darating. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at pearl white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang labis na kasipagan ngayon ay nagdudulot ng kasaganahan sa hinaharap. Huwag isubo ang katawan sa trabahong hindi para sa iyo, dahil wala kang mapapala. Makakagawa ka ng bagay na hindi makakalimutan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 38, 42 at midnight blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malalampasan ang mga balakid na masasagupa. Magiging kapuna-puna ang panglabas na anyo dahil sa pagbabago ng estilo ng pananamit o estilo ng buhok. Ngayon mailalabas ang talentong tinatago. Magiging normal ang takbo ng mga gawain. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color 7, 12, 21, 35 at beige

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Maaaring sa kauna-unahang pagkakataon, hihingi ka ng tulong sa isang kaibigan o kamag-anak. May magsisikap na matulungan ka sa abot ng kanyang makakaya. Maaasahan ang mga kaibigan o kamag-anak kung hihingin ang tulong. Magandang balita mula sa malayong lugar ang magdudulot ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 22, 37 at oak white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Isang bagong kaibigan ang posibleng lalapit at hihingi ng iyong tulong. Mag-ingat at baka ikaw ay maging biktima nang mapagkunwari at mapagsamantala. Huwag basta magtiwala kaagad. Maraming dapat unahin harapin at bigyang prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 11, 24, 36, 43 at magenta.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Sikapin na manatiling mahinahon dahil magiging malapit ka sa mga nakakalitong mga bagay. May mga panukalang ilalapit na makakabuting pag-aralan muna bago magdesisyon. May titimbangin kang desisyon sa pagitan ng pamilya at trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 34, 40 at avocado green.

vuukle comment

HOROSCOPE HULYO 10

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with