^

Kutob

Mayo 24, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maging handa ka sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig o sa pribado mong buhay. May posibilidad na abusuhin mo ang iyong katawan sa walang kwentang bagay. Malaki ang posibilidad na lumaki pa ang iyong pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 30, 40 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masisiguro sa iyo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hilig o hiling. Makakasama mo sa araw na ito ang iyong minamahal sa isang romantikong lugar para muling iparamdam ang iyong wagas na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 27, 38 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mapapansin nila ang kalungkutan sa iyong mukha, kahit anong pilit ang gawin na pagtatago rito. Masisiguro ang iyong tagumpay sa gagawin pagsubok kung magiging handa ka palagi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 28, 39 at burgundy.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito. Kukulitin ka ng isang kaibigang umiibig dahil sa kanyang suliranin. Pahalagahan ang reaksyon ng ibang tao na may katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 23, 30 at cherry red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Mapapatunayan niya sa iyo sa araw na ito kung gaano ka niya kamahal. Huwag kaagad bumigay, bigyan pa siya ng ilang panahon para maipakita niya ang katotohanan sa kanyang sinasabi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 20, 32 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sumabay sa agos ng buhay para mabawasan ang nararamdamang sama ng loob. Mababawasan ang iyong responsibilidad sa araw na ito. Kaya maganda kung mag-relax muna. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 47, 42 at brick red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Papaburan ng mga kaibigan ang iyong napupusuan, kaya lang sarili ang nakataya kaya mag-ingat. Hangga’t maaari, huwag munang lumabas dahil hindi mo magugustuhan ang klima sa labas na maaaring maka-apekto sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 35, 40 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masigla ang paglalagi sa bahay kasama ang mga minamahal. Hihintayin mo ang desisyon nila bago ka kumilos. Mayroong hihingi ng pabor sa iyo na hindi mo mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 24, 40 at ivory white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maraming magtatangkang manligaw sa’yo subalit hindi lahat sila ay mabuti at malinis ang layunin. Mararating ang malalayong lugar na may kinalaman sa trabaho at tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 21, 37 at corn yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging balisa ka sa mga araw na ito dulot ng maling pasya na iyong ginawa sa isang tagasunod. Kailangan ituwid mo ito para magkaroon ka ng payapang isip. Agapan na maituwid ang pagkakamaling nagawa hangga’t hindi pa huli. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 25 at turquoise.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Mararating mo na ang nais na lugar kasama ang espesyal na tao sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 29, 39, at royal blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Iwasan ang bagong bisyo na kinagigiliwan dahil kapag nagkataon uubusin ang iyong oras sa walang kuwentang bagay. Ngayon mo aanihin ang iyong wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Matutupad ang isang pangarap na noon mo pa ninanais. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 26, 33 at maroon.

vuukle comment

KUTOB MAYO 24

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with