^

Kutob

Mayo 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakatotoo ang iyong kutob. Subalit makakabuti kung mag-imbestiga ka muna bago magpasiya. Huwag hayaan na mabigo ang isang kaibigan na inaasahan ang iyong tulong. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 36, 39 at marine blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Aatakihin ka ng hypertension sa araw na ito bunga ng sobrang pressure at pagod sa trabaho, kaya mag-ingat. Mabuting magpahinga muna. Tanggapin ang alok na tulong ng higit na nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 2, 30, 34, 40 at shocking pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag maniwala sa mga sinasabi ng minamahal na mahal na mahal ka niya. Huwag agad isuko ang iniingatang dangal dahil sa gusto niyang patunayan mong mahal mo siya. Hayaan mong siya ang magpatunay ng kanyang pagmamahal sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 37 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Tanggap na ng mga taong malapit sa iyo ang pagkatao mo. Huwag maniwala sa isang kaibigan na kakakilala pao lamang. Pahalagahan ang reaksiyon ng matagal nang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 30 44 at emerald green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malululong ka sa mga bisyo kung magpapabaya. Hihintayin mo ang desisyon ng minamahal bago ka pumalaot. Iwasan ang pagiging magastos dahil may kakailanganin ka sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 20, 31 at magenta.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Ngayon mo aanihin ang iyong wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 34, 39 at indigo.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maging handa ka sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig. Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito dahil sa kasiguraduhang ipinapakita sa iyo. Lucky numbers a color for the day ay 4, 11, 30, 37 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maraming mag-aalok ng pag-ibig ang subalit hindi lahat sila ay may maganda at wagas nag layunin. Mag-ingat sa pagdedesisyon. Makakamdam nang panghihina sa bandang hapon, pahinga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 27, 40 at tangerine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ka ng magandang araw. Ikakagalak ang pag-galing ng isang kaibigan mula sa malayong lugar. Mag-impok ka para sa pinaghahandaang kasal. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 32, 43 at white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maligalig ang iyong isip dahil sa nasagap na balita. Iwasan ang pag-iisip ng masama sa iyong kinakasama. Wala kang problemang pinansyal ngayon, subalit ang problemang pag-ibig ay siyang maghahari. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 20, 35 at garnet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mabuting umpisahan nang maaga ang mga balak para sa linggong ito. Iwasan ang makipagkasundo sa dating kasintahan, baka ito ang maging dahilan nang pagkapahamak mo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 25, 43 at baby pink.ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ngayon nagising ka na sa isang malaking kahibangan. Natuklasan mong mali pala ang pag-ibig na ipinaglalaban. Subalit nakatakda na muli kang makadama ng pag-ibig. Gamitin nang balanse ang puso at isip Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 36, 41 at yellow.

vuukle comment

KUTOB MAYO 19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with