^

Kutob

May 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Matinding galit ang mararamdaman mo sa andang umaga kaya maging mahinahon. Huwag hayaang masira ang araw, hangga’t maaari pag-isipan muna ang bawat salitang bibigkasin at lalabas sa bibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 26, 37 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mabuting ayusin mo muna ang iyong kuwarto. Ilang gabi nang hindi ka masyadong nakakatulog dahil sa hindi nakaayon sa tamang posisyon ang iyong kama. Maaalala ang napalayong mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 25, 30 at light blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malulungkot ka sa araw na ito dahil sa paglayo ng iyong minamahal. Isang bisita ang magpapahiya sa iyo sa loob ng opisina. Maghapong sasama ang iyong loob. Paglabanan ito. Lucky number at color for the day ay 3, 24, 30, 42 at tangerine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Tatanggap ka ng maganda o hindi magandang balita mula sa malayo o malapit na kamag-anak. Makikilala ang taong maka-kakapagpabago sa takbo ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 31, 44 at green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kakailanganin mo ang tulong sa suliraning pag-ibig. Pag-ukulan ng pansin ang mga bagay-bagay sa iyong kapaligiran. Magiging sensitibo ka sa damdamin ng iba. Huwag magsalita ng masakit. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 28, 39 at apple green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Gagawin mo ang lahat para sa pag-ibig pero mabibigo ka pa rin. Isang kamag- anak ang lalapit para humingi ng tulong pinansiyal. Bibigyan mo ito bilang pagtanaw ng utang na loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Mag-ingat sa isang bagong labas na gamot. Baka sa halip na makatulong ito, maging sanhi pa ng paglala ng iyong sakit. Ikunsulta kaagad sa doktor kung hindi maganda ang pakiramdam. Manunumbalik sa iyo ang tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 23, 32 at cream.    

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Lalong gugulo ang inyong pagsasama ng minamahal dahil sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagpapakumbaba ng bawat isa. Simple lamang ang dapat gawin, huwag magmataas at matutong makinig. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 35, 38 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Malamang dadalo ka sa isang pagtitipong pang-pamilya. Mapapansin nila ang maganda mong kalusugan at aalamin nila kung ano ang iyong sikreto. Magiging masaya ang araw mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 31, 44 at aquamarine.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Makakaramdam ka ng kaunting pananakit ng buong katawan. Pahinga ang kaialngan. Maaakit ka sa isang oportunidad na trabaho sa ibang bansa, walang masama kung subukan. Maging maingat sa paglalakad sa mataong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 34, at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maging maunawain sa isang kapamilya, hindi naman niya ginusto ang kanyang nagawang pagkakamali. Magandang simulan ang binabalak na negosyo tungkol sa pagkain dahil dito ka uunlad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 26, 37 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magiging magulo ang isip mo sa araw na ito, hindi malaman kung ano ang dapat unahin. Maaaring matapos ang araw nang wala ka pang nagawa. Marahil may magandang surpresa sa iyo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 18, 33 at jade green.            

vuukle comment

2018

HOROSCOPE MAY 14

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with