^

Kutob

Abril 27, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hayaan ang sino mang nagpapakita ng pagpahanga. Iwasan ang pumutok ang butsi sa ginagawa ng iba. Panatilihin ang mapagpapakumbaba. Huwag magyabangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang nararamdamang sakit kung mayroon ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang takbo ng kapalaran. Ang magbakasakali, maliban sa pagsusugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hayaan na maging malaya sa ano mang gawain ang minamahal. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mag-aalala, ang kapalit ng pagtitiwala ay walang hanggang na kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Huwag maging magastos kahit may pera, dahil isa sa mga araw na darating ay tiyak may pagkakagastusan na mahalagang bagay. Mabuti na laging may naitatagong pera sakaling kailanganin, may magagamit. Maging matipid. Simulan ang pagse-saving. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hayaan na maramdaman ang sarap ng tagumpay na malamang ngayon matatamo. Unti-unting makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang pag-gawa ng desisyon ay hindi minamadali, kung mahalagang bagay ang kasangkot. Anuman ang desisyong ginawa, dapat panindigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maaaring ang dalawang mangingibig ay mag-tanong kung sino nga ba ang iyong pipiliin. Maaari ang kasintahan ay magyaya nang pakasal. Tiyakin ang pasiya ay ginamitan ng tamang pag-iisip at bukal sa damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Ano man ang balita huwag hayaang maka-apekto sa sarili. Mareresulba ang ano mang suliranin dahil nasa tabi lamang ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan ang sinisinta ng maliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa damdamin ng lihim na minamahal. Kung may suliranin sa pag-ibig, makakahanap ng tamang paraan na matugunan kung pagsisikapan. Iwasan na maging masungit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng kapwa. Baguhin ang masamang ugali para makuha ang atensiyon ng kapwa. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 40 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis sa iyo ang nakapaligid. Kung ano ang nais, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ikasira ng sarili. Bawat kilos, tiyakin na nasa panig ang ikakasaya at kabutihan ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

vuukle comment

KUTOB ABRIL 27

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with